Efeso 1:19 sa Pang-araw-araw na Buhay
Efeso 1:19 At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,
May kinahaharap ka ba ngayon na akala mo hindi mo kaya? Walang dahilan para mag-despair kung ikaw ay Cristiano. Ang Biblia ay nangangako na may kapangyarihang available sa lahat ng mananampalataya.
Hindi ito pangako para sa mga spiritual elite. Hindi ito pangako para lamang sa mga spiritually mature. Hindi ito pangako para lamang sa mga masipag maglingkod. Ito ay pangako para sa lahat ng mananampalataya.
Ito ay kapangyarihang sapat at sobra sa kinakailangan, "DAKILANG kalakhan."
Ito ay kapangyarihang mas malaki kaysa anong problemang ating hinaharap, "dakilang KALAKHAN." Sabi nga nila ay kung nakapokus ka sa problema, lumiliit ang Diyos, pero kapag nakapokus ka sa Diyos, lumiliit ang problema.
Ito ay dinamikong "KAPANGYARIHAN". Ito ang omnipotenteng kapangyarihang ginamit ng Diyos upang ibangon si Cristo mula sa mga patay at iakyat Siya sa kalangitan, sa taas ng lahat ng Sannilikha.
Ito ang gumagawang kapangyarihan ng Diyos, "ayon sa GAWA ng kapangyarihan ng Kaniyang lakas." Ito ang kapangyarihang functional at practical at epektibo, anuman ang ating kinakaharap.
Ito ang kapangyarihang nagdodomina sa lahat, "KAPANGYARIHAN ng Kaniyang lakas." Ito ay nagpapakita ng dominyon sa anumang ating hinaharap.
Ito ang ma-awtoridad na kapangyarihan ng Diyos, "kapangyarihan ng Kaniyang LAKAS." By ourselves, we are nothing, but His delegated authority gives us power and strength to overcome.
Anumang ating kinakaharap, may Diyos tayong nagbigay sa atin ng kapangyarihan. Walang dahilan upang mamuhay in despair and spiritual defeat ang mga Cristiano. Ang tanging dahilan upang mabigo sa buhay na ito ay kung hindi natin ginagamit ang Kaniyang probisyon. Tila tayo electric fan na hindi nakasaksak sa saksakan ng kuryente.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment