Dalawang katotohanan ayon sa Juan 3:16 na dapat mong malaman
Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
May dalawang katotohanang nais ni Jesus na iyong malaman.
1. Mahal ka ng Diyos at pinakita Niya ito sa pagbigay ng Kaniyang Anak, Roma 5:8.
"Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak."
Ibinigay Niya ang Kaniyang Anak sa krus ng Kalbaryo sapagkat ayaw Niyang ikaw ay mapahamak. You see dadalhin ka ng kasalanan sa impiyerno, ngunit sa pag-ibig ng Diyos, Ef 5:2, si Cristo ay namatay upang maging pampalubag-loob sa ating mga kasalanan, 1 Juan 2:2; 1 Cor 15:3-4.
Walang tao ang makapagsasabing siya ay pupunta sa impiyerno dahil sa kaniyang kasalanan. Totoong makasalanan ka at totoong dadalhin ka nito sa impiyerno NGUNIT binayaran ni Cristo ang kasalanan sa krus upang hindi ito maging hadlang sa pagitan ng tao at Diyos.
Ang isyu ngayon is not the Sin Issue, but a SON ISSUE. Do you believe in Jesus?
2. Ang buhay na walang hanggan ay tiyak at sigurado para sa mga nanampalataya kay Cristo, Juan 6:47; 1 Juan 5:10-13.
"Upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan."
Ang pangako ay buhay na walang hanggan. Ito ay buhay na hindi natatapos. Walang anumang makapaghihiwalay sa buhay na ito na Siyang buhay ng Diyos, Juan 10:28; Roma 8:38-39.
Ang TANGING kundisyon ay manampalataya. Hindi sinabing umanib sa relihiyon, gumawa ng mabuti o sumunod sa Kautusan. LAHAT ng mga ito ay mabuti at may tamang lugar sa buhay ng mananampalataya. Ngunit wala kahit isa mga ito ang magbibigay at magpapanatili ng buhay na walang hanggan.
Ang regalo ng buhay ay hindi pinagtrabahuhan kundi biyaya ng Diyos. Walang gawang meritoryong magagawa ang tao upang matamo ito.
Ito ay pangkasalukuyang pangako. Hindi sinabing baka magkaroon o magkakaroon sa hinaharap pagkatapos ng sandali ng probasyon. Ito ay pag-aari ngayon ng nanampalataya ngayon at hindi ito maiwawala.
Mga Cristiano, manghawak tayo sa pangako ng Diyos. Hindi Siya taong ang pangako ay napapako. Nangako Siyang ang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Hindi Niya babawiin ang pangakong ito.
Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyo hayaan ang mga huwad na gurong nakawin ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment