Ang fellowship ay hindi pagkain, pag-inom at swimming

 


Gawa 2:42 At sila'y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.

For some reason, ang salitang fellow ay naging kasinkahulugan ng partying- kain, swimming at games. Kapag may kainan, ito ay fellowship. Kapag may outing, fellowship. Kapag may get-together, fellowship. Sa Bible, ang fellowship ay hindi kainan, inuman at swimming. 

Sa Gawa 2:42, ang unang simbahan ay may 2 priorities: pagiging matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasama-sama. Sa modernong lenggwahe sa 1) Bible studies at 2) Fellowship. Ang fellowship ay nakikita sa pagpuputol ng tinapay (meals, malamang pantukoy sa Hapunan ng Panginoon) at panalangin. Right at the beginning ang fellowship ay may spiritual content - fellowship in Lord's Supper and fellowship in prayers. 

Ang salitang ginamit ay porma ng KOINONIA na sa KJV ay ginamit ng 18 na beses. Ginamit ito sa pag-aabuloy (Roma 15:26; 2 Cor 8:4; 9:13); sa Lord's Supper (1 Corinto 10:16); sa fellowship with the Trinity which is based on doctrine (1 Cor 1:9; 2 Cor 13:14; Fil 2:1; 3:10; 1 Juan 1:3,6,7); fellowship sa mga kapwa mananampalataya (hindi kainan, Gal 2:9; Filemon 6; 1 Juan 1:3,6,7); fellowship sa pananampalataya (Ef 3:9; Filipos 1:5); fellowship by sharing (Hebreo 13:16) at sa negatibong utos na huwag makipagkaisa sa mga hindi mananampalataya (2 Cor 6:14). 

Ang basikong ideya ay sharing life with people you're in fellowship with. It is about sharing things in common- shared life story, shared goods, shared relationship. We have fellowship with the Trinity because we shared relationship by faith in Christ. We have fellowship with each other because of shared life story - lahat tayo ay beneficiary ng gawa ng Cristo. We have fellowship by sharing goods, time and energy with each other. 

To have fellowship is more than eating, drinking and swimming. If this is youth fellowship or church fellowship, wala itong pinagkaiba sa partying ng mundo. 

Fellowship is sharing life together. Kumustahan. Bahagian ng kwento tungkol sa nangyari sa iyong "walk with the Lord." Practical na sharing sa kapatiran. 

Lagi kong sinasabi na mas marami pang fellowship ang mga tambay sa kanto kaysa sa ating mga simbahan. May isang kabataang tumugtog ng gitara, maya-maya lahat ay nagkakantaan na, nagkukuwentuhan, nag-aambagan para sa "foodtrip". May organikong fellowship sa bawat isa. 

Hindi ang patay, cold, calculating church activities na mas hawig pa sa checklist kaysa sa sharing of life. Prayers. Checked. Tracts distribution. Checked. Hindi nakasama- unfaithful. Ekis. That is wrong on many levels. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Nangungulila sa isang Ama

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION