Advanced Techniques are Basics Mastered: Progressing From Milk to Meat

 


May kasabihan ang mga samurai, "Advanced techniques are the basics mastered." Gusto mong maging mahusay sa isang kasanayan? Do it again and again and again until it becomes muscle memory. Do it slow because slow is fast- as you become proficient, you become faster. 

Do not be in a hurry. Ang pinakamahirap ay nagmamadali kang mag-advanced na hindi mo inaral ang mga tamang steps kaya ang nangyari natuto ka ng mga maling neural patterns. Remember it is easier to learn right the first time (kahit matagal) kaysa sa matuto nang mali, then unlearn ito and relearn the right moves. Why? Dahil ang na-established na maling movement will interfere with the correct movement. 

Then kapag na-master mo na ang basics, what do you do? Stop? Nope, the next step is to do it again but in a different context. Add variables, one at a time and repeat the process. You learn how to punch with the left? Next time do it with the right. Learn 111, 112, 121, 123, 124... Kung boxer ka alam mo ang ibig sabihin ng mga numerong iyan. 

Ganiyan din sa paglago sa biyaya. To grow in grace, we need to master grace. And grace starts with the Cross.

Sabi ni Pablo,

1 Corinto 2:2 Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus.

Ang Krus ang ating pangunahin at pinakamahalagang mensahe. Upang lumago sa biyaya, hindi natin ito dapat bayaan. Dapat tayong lumalim sa pagkaunawa ng Krus. We need to be a theologian of the Cross. 

Does this mean na Linggo-Linggo, ang sermon ay puro lang kaligtasan? Puro lang gawa ni Cristo sa Krus? Linggo-Linggo, uuwi ang mga Cristiano na na-evangelized pero wala nang ibang alam sa Biblia? 

Hindi iyan ang aking sinasabi. Kahit ang awtor ng Hebreo ay nagsasabing may mga doktrinang dapat nang bayaan, Hebreo 6, hindi dahil sa sila ay hindi mahalaga kundi dahil dapat magprogreso mula sa gatas patungong karne.

Yes mahalaga ang gatas ng Salita (1 Pedro 2:2) pero hindi ibig sabihing mananatili ka lamang dito (Heb 5:11-15). Kailangan mong magprogreso mula gatas patungong karne upang maging sakdal. 

Kung hindi, kung kaligtasan lang ang iyong alam at walang iba, delikado ka sa mga tusong lobo na naghahanap ng masisila. Wala kang maisasagot sa kanilang mga "sikretong kaalaman" at tsart. 

Sinasalungat ko ba ang aking sarili? Dapat bang magpalalim sa basiko ng Krus o dapat itong iwan upang magprogreso? Ang sagot ay oo at hindi. 

Oo, dapat tayong magpalalim sa Krus. Oo kailangan nating magprogreso mula sa Linggo-Linggong evangelismo ng mga dati nang ligtas patungo sa kasakdalan o maturidad. At magagawa ito kung nauunawaan natin ang sentralidad ng Krus sa plano ng Diyos. 

By all means preach the Cross (basics), then build on it (advanced). Gaya nang halimbawa ko kanina, practice your 1 but combine it with 2, then with 3 and with other combinations. You keep on doing 1 but you don't do 1 only every training. You make combos. 

Ganuon din naman, preach the Cross (basic), then palalimin mo by discussing the various doctrines of the Cross (soteriological doctrines of redemption, propitiation, regeneration, expiation, reconciliation, etc). Hindi pare-pareho ang mga ito and my guess is dito pa lang you can easily spend months. Preach the Cross (basic) then palalimin mo by discussing the 40 or so benefits of the Cross. This is another 30-40 Sundays. Preach the Cross (basic) then see its progressive revelation through the OT and the NT. Preach the Cross (basic) then discuss all the Messianic prophecies and their fulfilments, all the types and their antitypes, etc. Discuss the Cross (basic), then show its effect on giving (2 Cor 8-9, though Christ was rich, for your sake He became poor), on family life (Love your wife as Christ loved the Church and submit to your husband as the Church submits to Christ, Eph 5), forgiveness (Eph 4:32), on Christian living (Gal 2:20-21, grace living, not Law-living), etc. Develop a Biblical theology of the Cross by going through all the NT books (and even OT). Differentiate the First Advent (goal: Cross) and the Second Advent (goal: Kingdom). Maaari mong palalimin ang iyong sarili sa Krus nang hindi paulit-ulit na ini-evangelize ang mga dati nang ligtas. 

Kaya bored ang mga Cristiano sa Bible studies dahil wala na silang natututunan. Ligtas na sila at kahit bali-baligtarin, sure sila rito. Pero hindi sila lumalago dahil hindi sila natututo nang advanced doctrine. Tapos pag dumating ang problema ng buhay, suko agad (paano hindi natutunan ang Ef 1:19) o pag dating ng false teachers, dala agad (paano hindi nabalaan ng 2 Pedro o Judas). Ituro natin ang kabuuan ng Kasulatan, hindi ang ilang paboritong paksa. 

Muli, advanced techniques are basics mastered. Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyo hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION

Nangungulila sa isang Ama