Translations matter

 

Noong Linggo nabanggit na ang mga Bibles naman ay pare-pareho lang naman. Ang mahalaga ay pumili ng Bible na nauunawaan. Sa halip na Bible na accurate. Feeling ko mas mabuting komiks na lang basahin, marami na rin namang Bibles na naka-comics ang nalimbag ngayon. 

More seriously, translations matter. Kung naniniwala tayo na ang inerrancy extends to the very words of the Bible and not just concepts, gusto nating malaman ang very word na ginamit sa Biblia. Even if only in a translation. 

May dalawang pangunahing philosophy sa translation. Una ay ang word for word literal translation o formal equivalence. Ang ikalawa ay thought for thought translation o dynamic/functional equivalence. At the outset, gusto kong ihayag ang aking posisyun: sa kabila ng pros and cons ng dalawang philosophies, mas maigi pa rin ang formal kaysa dynamic translations sa pag-aaral ng Biblia. Maaari na ninyong itapon ang mga paraphrases o kaya naman ay gamitin itong pampaantok pag gabi (bedtime stories). 

Sa formal equivalence, malaki ang pagpapahalaga ng translators sa original material. Dahil dito sinisikap nilang isalin ito sa target language as close as possible. Dahil may mga salita o konsepto sa original language na walang katumbas sa target language, minsan kailangang mag-imbento ng bagong salita, mag-repurpose ng existing words sa target language o i-freely translate. Pero sa formal translations, hanggat maaari, kung ano ang pagkasabi sa orihinal, iyon ang lalabas sa target language; kung kaya ang pangngalan o pandiwa sa orihinal ay pangngalan at pandiwa pa rin sa target language. Kung kayang i-accommodate nh target language ang mga idioma, sige; kung hindi (dahil absurd ang woodenly literal translations), sa pinakamalapit na equivalent. 

Sa dynamic equivalence, ang mahalaga sa translators ay ang target language. Mauunawaan ba ng reader ng translation ang Biblia? Dito ang salin ay thought for thought. Hindi mahalaga ang pagkakasunod ng mga salita sa orihinal, ang mahalaga ay ang kahulugan nito sa target language. This assumes that the translators understand what the Bible text means and he can reduce it to a functional equivalent sa target language. Needless to say, there is a lot of personal commentaries and theology involved in this type of work. Actually kahit sa formal translations mayroon din, pero dahil restricted ng actual words ang formal translations, hindi kasing tindi ng dynamic translations. Sa dynamic translations ang nangimgibabaw ay ang pagkaunawa ng translators.

Which leads us to the question: what if you disagree with the translators on the meaning of the text? 

Sa formal translations, iniiwan ng translators sa iyo ang desisyon kung paano ipaliwanag ang texts, ang mahalaga ay mailipat nila ang word sa original sa katumbas nito sa target language. Sa dynamic equivalence, you are at the mercy of the translators dahil ni hindi mo nga alam kung ang words sa salin mo ay nasa orihinal or supplied by the translators because that is how they understand the passage. 

So carnal or worldly sa 1 Corinto 3? Eternal o everlasting? Child o son? 

Now to be fair easier to read ang dynamic translations. Binabasa mo ang Biblia sa iyong sariling thought patterns as opposed to formal translations kung saan (if nicely done) binabasa mo ang Biblia sa Greek or Hebrew thought patterns. That is why sometimes, formal translations sound clumsy and abnormal. Because that is not how we usually think or speak. 

Ikalawang weakness ng dynamic translations ay sinisira nito ang mga word studies, most of them anyway. Sa formal translations dahil ang salin ay word for word, mas malamang na may isang word na gamitin sa bawat occurrence of a particular word in the original language. Halimbawa, charis will always be translated grace. The only exception is context. Sa dynamic translations, dahil hindi mahalaga ang salita (subordinated ito sa thoughts o ideas) maaaring mabura pa ang isang salita without you knowing it. Alam mo ang general idea pero hindi mo alam na may salita pala roon na helpful para sa nuanced studies. 

Ikatlo, while formal translations can be woodenly literal, dynamic translations can become so free na wala na siyang similarities sa original. Mas nakikita ang personality and theology ng translators kaysa sa original documents. Nawawala ang "original vibes" ng manuskrito. Nawawala ang Greek-ness ng mga NT epistles, ang Hebrew-ness ng OT dahil lahat sila ay Filipinized. Magagamit ito upang isuksok ang foreign (Filipino) meanings sa texts. So ang mga Bible characters ay biglang naging Pinoy sa kanilang paniniwala at kilos. To be fair this is worst case scenario and most dynamic translations ay hindi ganito. 

In the end, it boils down to your preferences. It boils down to your scale of values. Would you rather accurate but hard or easy but with some licenses in translation. Your answer depends on what you want to get from your studies. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?