The Three Tenses or Phases of Salvation
I did not plan to write on the three phases or tenses of salvation. This is so basic that I assumed every Bible Christian knew this. Sinumang maingat magbasa ng kaniyang Biblia ay mapapansing may mga sitas sa Biblia na ang kaligtasan ay naganap na. Once saved always saved. Ito ay natamo sa sandaling nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. At ang kaligtasan na ito ay forever, hindi mawawala, maglingkod ka man o hindi sa Diyos. Ngunit may mga sitas ding nagtuturong ang kaligtasan ay on-going. May kaligtasang, gaya ng sa Aklat ni Santiago, na nangangailangan ng gawa. May kaligtasang gaya ng Mateo 16 kung saan ang mananampalataya ay nangangailangan itakwil ang sarili, dalhin ang kaniyang krus at sumunod kay Cristo. May kaligtasang gaya ng 1 Pedro kung saan matatamo lamang ito ng pananampalatayang sinubok at pinadalisay ng mga pagsubok at pag-uusig. May kaligtasan sa hinaharap mula sa galit ng Diyos (Tribulasyon) sa pamamagitan ng Rapture.
Wala akong balak na sumulat sa tatlong phases o tenses ng salvation dahil inaakala kong malinaw ito sa mga Bible Christians. After all, nang ako ay nagtuturo pa sa pulpito, paulit-ulit kong sinasabi na may mga ligtas na taong nangangailangan ng kaligtasan (hindi mula sa impiyerno which is secured at the moment of faith but from persecution, from power of sin, from problems in life, from a life of insignificance, etc). Sa immortal na salita ni Earl Radmacher, "We are saved, we are being saved, we will be saved." Or something to that effect. Ngunit kung pastor na ngang pastor hindi ito alam, paano na ang mga nakaupo sa bangko?
What is the big deal? Una sa lahat ito ay nagpapakita ng tendency ng isang tao, pastor man o hindi, na kapag nabasa ang salitang kaligtasan sa Biblia, ang unang iniisip ay kaligtasan mula sa impiyerno. Ngunit sa 109 na gamit ng mga ito, mahigit 60% ay walang kinalaman sa eternal na kaligtasang ating natamo nang manampalataya tayo kay Jesus. Tingnan ang mga ito:
https://www.facebook.com/share/p/12GurBVT9Dh/
https://www.facebook.com/share/p/1C7fxMmKnZ/
https://www.facebook.com/share/p/1FXMmNNuDB/
Samakatuwid, kapag nabasa natin ang salitang ligtas o kaligtasan sa Biblia, tingnan muna natin ang immediate context at tanungin ang ating mga sarili, ligtas mula saan? Hindi tayo dapat mag-assume na ang kaligtasan ay laging patungkol sa kaligtasan mula sa impiyerno. May non-soteriological use ng word na kaligtasan at nangangahulugan lamang na paggaling, pagkaligtas sa kapahamakan, atbp. May soteriological uses din at ito ay makikita sa tatlong tenses.
Ikalawa, ang failure na ma-dististinguish ang mga ito ang dahilan kung bakit may magulong gospel presentation. Ang mga kundisyon halimbawa sa phase 2 soul salvation ay ginagawang kundisyon para sa phase 1 faith alone salvation. Ang resulta ay works salvation or Lordship salvation. Kaya sa ibang sirkulo, kailangan ang pagsisisi, paggawa, pagsunod kay Cristo, pagbuhat ng krus at pagtakwil sa sarili upang maligtas mula sa impiyerno at pumunta sa langit. Pero kung nauunawaan ng tao ang tatlong tenses ng salvation, magkakaroon sana siya ng katiyakang sa sandaling siya ay manampalataya, mayroon siyang buhay na walang hanggan na hindi maiwawala, maglingkod man siya o hindi. Ang iba naman ay yumakap sa two ways of salvation. Umano ang mga Judio ay tinuruan ni Jesus at ng Dose na kailangan ang gawa upang maligtas mula sa impiyerno. Sisipiin nila ang mga sitas tungkol sa kaligtasan ng kaluluwa mula sa Evangelio, sa Hebreo, sa Santiago at sa 1 Pedro. Samantalang si Pablo umanoy ay nagtuturo ng kaligtasan sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang para sa mga Gentil. Sisipiin naman ang Efeso 2:8-9; Gawa 16:31; Tito 3:5 atbp. Ngunit kung nauunawaan ng mga hyperdispensationist na ito ang tenses of salvation, maiiwasan sana ang pagkakamaling ito. Hindi totoong nagturo si Jesus ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalatayang may gawa. Ang kailangan lamang gawin ng tao ay basahin ang Evangelio ni Juan kung saan 95-98 times ang salitang pananampalataya at 0 times na binanggit ang repent bilang kundisyon sa buhay na walang hanggan. Mali ring sabihing tinuro ni Pedro at Santiago ang kaligtasan mula sa impiyerno sa pamamagitan ng gawa. Kailangan ninyo lang basahin ang Gawa 15 kung saan sinabi ni Pedro na ang mga Gentil ay naligtas sa biyaya at pananampalataya gaya nilang mga Judio at hindi nila kayang pasanin ang Kautusan, ni ang kanilang mga magulang. Kita rin ito sa sulat ni Pedro kung saan inendorso pa niya ang mga sulat ni Pablo. Ang failure to distinguish the three phases of salvation is a serious error. It has significant ramifications sa pagkaunawa ng Kasulatan.
Nakakalabo rin ito sa ating evangelism. Personally, nang maunawaan kong ang salvation of the soul ay iba sa eternal salvation, tumigil ako sa pagtanong sa mga taong, "Ligtas ba ang iyong kaluluwa?" Naunawaan kong ang kailangan ng unbelievers ay hindi ang pagbabagong magliligtas ng kaniyang buhay mula sa kapangyarihan at dominion ng kasalanan kundi ang buhay na walang hanggan. Bago siya maligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan sa kaluluwa, kailangan niya muna ang buhay na walang hanggan. Kailangan niya munang masigurong pupunta siya sa langit at hindi sa impiyerno. Kapag may katiyakan na siya ng eternal na kaligtasan, saka lamang siya nangangailangan ng Bible doctrine na magbabago ng kaniyang isipan at gawi at magliligtas ng kaniyang kaluluwa mula sa misery at death na dala ng kasalanan. This is salvation from the dominating power of sin. Kaya may mga Cristianong nahuhulog sa kasalanan dahil hindi sila tinuruang kailangang maligtas ang kanilang kaluluwa mula sa kapangyarihan ng kasalanan.
Ikaapat, ang failure na ma-dististinguish ng phases of salvation ay dahilan upang hindi ma-harmonize ang Kasulatan. Akala ng iba nagtatalo si Santiago at si Pablo. Pero si Santiago ay nagtuturo ng kaligtasan ng kaluluwa samantalang si Pablo ay eternal na kaligtasan ng tao. Kung mauunawaan ang three phases of salvation, maiiwasan ang error na ito.
Sa huli, maging mapanuri. Huwag nating hayaang bulagin tayo ng ating relihiyon, seminaryo, mga libro upang unawain ang Biblia mismo. Maraming kampante sa kanilang pangangaral, may pasigaw-sigaw at pahampas-hampas pa sa pulpito, ang kulang sa kaalaman sa mga basikong ito. Matutong magpakumbaba at matuto. Ang titulo at barong ay hindi garantiya ng accuracy sa doctrine. Magsuri. Magsiyasat. Huwag ninyong hayaan ang mga huwad na gurong nakawin ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.
Read the following on the three tenses/phases of salvation. They can explain the issues better than I can.
https://www.facebook.com/share/p/15CcjGCywZ/
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid08VS2rBBkH5fg55eN8QhsiKgiB4uNWqwTa3vr6oesmiDVLEce62f6FJ2Hjf9WvSvWl&id=100001576080343&mibextid=Nif5oz
https://www.facebook.com/share/p/1ELiJEcaSC/
https://www.facebook.com/share/p/1YzT1YZZB9/
https://www.facebook.com/share/p/1HvxLPMncz/
https://www.facebook.com/share/p/1E8M4AaRpT/
https://www.facebook.com/share/p/12HLP62N2hT/
https://www.facebook.com/share/p/1E1HXhEyZr/
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment