Ano ang ibig sabihin ng Awit 49:7-9?


Awit 47:7 Wala sa kaniyang makatutubos sa ano pa mang paraan sa kaniyang kapatid, ni magbibigay man sa Dios ng pangtubos sa kaniya:8 (Sapagka't ang katubusan ng kanilang kaluluwa ay mahal, at ito'y naglilikat magpakailan man:)9 Upang siya'y mabuhay na lagi, upang siya'y huwag makakita ng kabulukan.

Ano ba ang katubusan na tinutukoy sa Awit 49? Isang sermon na aking narinig nitong Linggo ang nagsabing ito ay tungkol sa katubusan ng kaluluwa sa impiyerno. Buong sigasig na kinabit niya ang sitas na ito sa gawain ni Cristo ng pagtubos. Ngunit ito nga ba ay tungkol sa katubusan ng kaluluwa mula sa impiyerno?

Isa sa mga sakit ng mga ministro ay kapag narinig ang mga salitang katubusan at kaluluwa, ang naiisip agad ay walang hanggang kaligtasan mula sa impiyerno. 

Now don't get me wrong. I understand na mahalaga ang kaligtasan ng tao mula sa impiyerno. Gusto nating dalasan ang pagpapahayag nito upang masigurong mailabas ang mensahe to as many people as possible. But not at the expense of accurate interpretation. Mahalaga ang kaligtasan mula sa impiyerno. But equally mahalaga ang accurate interpretation of the Word of God. 

So ano ang katubusang binabanggit sa v7-9? Ang konteksto ay malianaw na hindi espirituwal katubusan mula sa impiyerno kundi katubusan mula sa pisikal na kamatayan. 

Kayo ang humusga:

10 Sapagka't nakikita niya na ang mga pantas ay NANGAMAMATAY, ang mangmang at gayon din ang hangal ay NILILIPOL, at INIIWANAN ang kanilang kayamanan sa mga iba.

12 Nguni't ang tao'y hindi lalagi sa karangalan: siya'y gaya ng mga hayop na NANGAMAMATAY.

14 Sila'y NANGATAKDA SA SHEOL na parang kawan; KAMATAYAN ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan.

15 Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng SHEOL: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah)

17 Sapagka't pagka siya'y NAMATAY ay wala siyang dadalhin; ang kaniyang kaluwalhatian ay hindi bababang susunod sa kaniya.

19 Siya'y PAROROON SA LAHI NG KANIYANG MGA MAGULANG; hindi sila makakakita kailan man ng liwanag.

20 Taong nasa karangalan, at hindi nakakaunawa, ay gaya ng mga hayop na NAMAMATAY.

Ang punto ng awit ay ipakita ang limitasyon ng buhay ng tao, kahit sa mga mayaman na nag-aakalang mabubuhay sila kailan man. Kung minsan binubulag ng kayamanan ang tao sa pag-aakalang nakahihigit sila sa iba. Kung umasta ay parang sarili nila ang mundo, parang hindi kumakain ng galing sa lupa, parang hindi dumurumi o umaapak sa lupa at tila walang kamatayan. Sinasabi ng salmista na huwag kang mainggit o matakot sa mayaman sapagkat anuman ang kanilang taglay na yaman, hindi nito mapapahaba ang kanilang buhay. Kung ikaw na mahirap ay may buhay at sila na mayaman ay may buhay, kayo ay nasa parehong footing- taglay ninyo ang buhay na walang maitutumbas ("ang katubusan ng kaniyang kaluluwa ay mahal") na kahit anong kayamanan. 

Ilang kidnap victim ang inyong nabalitaan na tinubos ng pamilya ng milyong halaga para lamang patayin pa rin ng kidnapper? Gaano man karami ang iyong milyon hindi nito matutubos o mababayaran ang buhay. 

Sa halip na mainggit o matakot sa kanila, tumingin ka sa Diyos, ang tanging may kakayahang tumubos ng buhay. 

Walang anuman sa Awit 49 ang patungkol sa espirituwal na katubusan mula sa impiyerno. Kung espirituwal na katubusan ang tinutukoy sa Awit 49, si Cristo na isang 100% na tao (united forever sa 100% Deity ni Cristo) ay hindi makatutubos sa tao sapagkat si Cristo ay naging tao at kapatid ng mga Israelita (v7). Ngunit kung ang katubusan ay patungkol sa pisikal na katubusan mula sa pisikal na kamatayan, walang salungatan sa espirituwal na pagtubos ni Cristo sa Kaniyang mga kapatid na Israelita (at maging sa ating mga Gentil). 

Ang problema sa mga casual reader ng Biblia ay naglalagay tayo ng mga sarili nating presuppositions sa Biblia. Palibhasa nabanggit ang katubusan at kaluluwa, iniisip agad na espirituwal na kaligtasan mula sa impiyerno kahit hindi suportado ng konteksto. Bilang interpreter ng Biblia, trabaho natin ang hayaan ang Biblia na iinterpreta ang Kaniyang sarili at hindi magbigay ng pribadong interpretasyon. 

Matutong magsuri at magsiyasat gaya ng mga taga-Berea. Huwag ninyong hayaang diktahan ng iba ang inyong kakayahang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?