The Church Is Not a Social Club: Stop Doing Things for the Sake of Doing Things
Ang Church ay inilagay sa mundong ito for a purpose- ang abutin ang mga unbelievers ng mensahe ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang at palaguin ang mga nanampalataya sa maturidad na masusumpungan kay Cristo. Lahat ng gawain ng simbahan ay dapat umiikot sa dalawang misyong ito.
Think about it. Pwede naman sanang sa sandaling tayo ay manampalataya kay Cristo, kunin Niya na tayo at dalhin sa Langit. Ngunit hindi. Sa halip nilagay tayo ng Espiritu sa Katawan ni Cristo, 1 Corinto 12:13.
Dahil dito bawat gawain ng simbahan ay para maabot ang mga misyong ito. Anumang gawaing hindi makatutulong sa mga misyong ito ay treason.
Ang nakalulungkot ang Simbahan ay nahuhulog sa kaisipan na busy is better. More is better. Kaya ang Simbahan ay punong puno ng mga gawaing kung iyong pagmumunihan ay hindi naman makatutulong sa dalawang misyong ito ng Simbahan.
May mga Simbahang nag-o-organize ng activities just for the sake of organizing an activity. Wala na tayong pinagkaiba sa mga social clubs. Nagtitipon ang lahat, nagkukwentuhan, affirming each other, mutual admiration clubs.
Then we proudly proclaim we're serving God. And we thumb our noses sa mga hindi members ng mutual admiration clubs.
Sinulat ko na noon at uulitin ko ngayon, without a vision, the people perish. No I am not referring to Hosea which has a different context but the reality that an organization without goals, mission, vision and objectives will just do anything for the sake of doing.
Sinulat ko na before ang kahalagahan ng pagse-set ng goals for the year. This way tanging mga aktibidad na in-line sa mga goals ang popondohan at isagagawa. Anumang hindi ay alisin. Dagdag gastos lang iyan na magbabankarote sa Simbahan at hindi makatutulong sa mga misyon ng Simbahan.
Ngunit kung walang goals, walang pinag-isipang aligned activities, walang direksiyon ang mga gawain.
Halimbawa, malapit na ang summer vacation sa mga public secondary schools. Halos dalawang buwan na walang pasok ang mga high school students. Anong gagawin? Dahil walang plano, magmamadali na mag-put-up ng activities upang masabing active ang youth group.
Result? Gawaing basta basta. Sayang na oras. Sayang na pera. Walang resulta.
As I have written before, it all started with the pastor. Kapag walang plano ang pastor, kakapa ang youth president sa dapat gawin.
Ang mga youth activities ay walang pinagkaiba sa mga social club meetings. How are you? I am fine thank you. Walang edifying activities. Just fun. And fun and fun. Kung fun lang ang habol, mas maraming fun activities na pwedeng gawin outside of youth organizations. Just saying.
Pwedeng gamitin ang summer for family bonding. Pwede mag-engage ang family sa short term missionary activities. O charity works. Or simply travel and relax. Or staycation where families bond closer. In my opinion mas useful pa ang activity na ito kaysa sa youth activities na walang plano. At least dito napapalakas ang pamilya at ang pamilya ang pundasyon ng malakas na Simbahan. By engaging in family activities mas likely na manatili ang mga youth sa church. Isa sa mga danger ng college ay the youth drifts off from the church. By engaging in fun family activities, the values and faith are passed on to the children. They will treasure it and likelier to stay in Church.
Or pwedeng gamitin ang summer ng mga youth for self-improvement. Review classes for preparing for college. Part-time work to gain work experience. Or enroll in short term Tesda courses. Or put up a business. Or do physical activities. Lahat ng mga ito ay better alternative sa youth activities na walang plano.
I am all for youth activities. But not for activities for the sake of doing activities. These activities are not edifying. Nagagastusan lang ang Simbahan.
Pero kung ang activities ay planned. May purpose, may activities, may organization- I am all for it. Instead na naglalayaw-layaw sa sanlibutan, at least nasa Church. Maybe, the youth can organize their home visitations, practice choir, organize soup kitchens to reach the children, gift-giving for the deserving poor Christians, conduct Bible studies sa mga bahay-bahay, atbp. Pero yung mag-meet-up pag gabi and just socialize, Christianese style? Nah, I'll pass.
Ang ganitong mga activities ay nagiging rivals lang sa family. I remember Howard Hendricks sa kaniyang aklat na Heaven Helps Our Homes na umiyak sa katotohanang ang Simbahan ay nagiging karibal ng pamilya. Sa halip na lumakas ang pundasyon ng pamilya, ang mga anak ay nasa kung saan-saang church youth activities. Okey lang sana kung may katuturan ang mga activities.
Red flag kapag sa isang organizational meeting para mag-set ng activities ang tanging pinag-uusapan ay kung paano mag-raise ng pondo. I don't recall the Church being a Wall Street organization. Sa isang healthy organization, laging una ang mission at vision, nag-o-organize ng activities na tutupad dito BAGO maghanap ng pondo. After all, hindi ba at doktrina nating if it is God's will, God will provide? So why look for the funds without knowing God's will first? Activities muna, project proposal muna, bago funding. Otherwise the church fund will go down the drain again. Hingian na naman ng sorry. Hindi maibabalik ng sorry ang nawalang pondo dahil sa pag-aaksaya.
Maraming activities na pwedeng gawin na direktang makasusulong ng Church missions. Ang pagsasayang ng pondo, oras, lakas at pagiging karibal ng pamilya ay hindi kasama rito.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment