Signs or sign?

 


Mateo 24:30 At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Dahil sa kaliwa't kanang balita ng giyera, kalamidad, economic meltdown at kung anu-ano pa, muling popyular na naman ang mga apocalyptic theologies- katapusan na ng mundo. For the nth time! 

Hindi magamot-gamot ang mga tao sa pre-occupation of date-setting. Every several years or so, may lilitaw na prophets of doom at may mga taong magpapauto. Dati yung Y2K. Then yung 2012 bilang part ng Mayan calendar, lalo't may blood moons pang sunuran. Then Covid pandemic. At kung anu-ano pa. 

Ang nakakainis ay pati mga Cristiano ay binibili ito sa kabila ng katotohanang si Cristo mismo nagsabi na wala, kahit ang Anak ng Tao ang nakakaalam kung kailan ang Kaniyang pagbabalik. Kung hindi alam ni Cristo (in His humanity) at tanging Ama lamang ang nakakaalam, saan kumukuha ng ideya ang mga prophets of doom. Unless hawak nila ang personal schedule ng Ama at nag-leak sila sa media. On this basis alone, I would discount all the end time mania na popular sa ating culture. 

Idagdag pa sa kaguluhang ito ay ang indiscriminate na pagtapon ng mga terminong Rapture at Second Coming. If you casually throw them enough, they blur distinctions. Kaya mayroon na tayong signs of the Rapture, signs of the second coming, signs of the end, atbp. Even pastors who should know better buy this. Maybe because they wanted to scare their members into attending church services. For the offering?

The truth of the matter is there is zero sign for the Rapture. The Coming of the Holy Spirit in Acts 2 started the Church and the Out-Resurrection of the Dead Saints and Immediate Translation of the Living Saints and Raptured into the Air will close it. There is no sign when the Church was born and there will be no sign when she'll be taken away. Sa Acts 2, ang mga apostol at mga disipulo ay pinagpaghintay until the descent of the Spirit and they don't know what to look for. Walang Day-39, nagsisimula nang magbago ang ihip ng hangin... Day -40, kapag may tumunog, iyon na. No, dumating ang Espiritu and everybody was surprised. Ganuon din sa Rapture. One day, Christians and non-Christians alike will wake up and go to work and then.... Poof... The Christians are gone. Just like that. 

On the other hand, the Second Coming is preceded by many events that will come first. Both OT and NT prophesied events that will happen before the coming of Christ in Revelation 19. May giyera, may mga kalamidad sa lupa at sa langit (yes I literally believe the heavens will be shaken- hindi ito description ng destabilizing governments), the gospel of the kingdom will be preached first, etc, etc. Subalit sa gitna ng mga ito ay babala,

Mateo 24:24 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.25 Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.26 Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.27 Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

Para sa mga mananampalataya sa Tribulasyon, mayroong lilitaw na mga bulaang Cristo at propeta na magpapakilalang mga cristo at mga propeta at magpapakita ng mga tanda - huwag kayong magpalinlang. Kung ang Rapture ay isang poof moment (in a twinkling of an eye) ang Second Coming ay visible and public. Lahat makikita ito kung paanong nakikita ng lahat ang pagdaan ng kidlat. 

Malalaman ng lahat sa Tribulasyon ang pagdating ni Cristo dahil makikita ng lahat ang Kaniyang TANDA, ang Kaniyang banner. Yes, ang tanda ay singular, kaya it is futile to speak of mga tanda ng pagparito ni Cristo. We don't know when He will come so kahit ano pang mangyari, there is no way to know if it is a sign that it could be today. Hindi sila dapat maghintay mga tanda sa Tribulasyon at mas long hindi tayo dapat maghintay ng mga tanda sa Church Age. 

Mateo 24:3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging TANDA ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?

Singular na TANDA ang hinihingi ng mga alagad, kaya singular na TANDA rin ang binigay ni Jesus. Hindi Siya nagbigay ng MGA TANDA!

Mateo 24:30 At kung magkagayo'y lilitaw ang TANDA ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

Sa Tribulasyon, kailangang makatiis ang mga mananampalataya hanggang sa katapusan ng Tribulasyon upang makita ang TANDA ni Cristo. Ang TANDA ay singular at lahat ay makikita ito. One day, sa Tribulasyon, titingala ang mga tao, at makikita ang TANDA ni Cristo na makikita nang lahat. May mga tatangis dahil ang Personang kanilang tinakwil ay dumating na ngunit para sa mga inusig na mananampalataya ng Tribulasyon, ito ay kaligtasan. Kaya literal na maliligtas physically ang mananampalatayang makakatiis hanggang sa katapusan ng Tribulasyon!

Note ang TANDA ay si Cristo mismo. Kapag tumingala ang mga tao sa Tribulasyon at makita ang isang alapaap na may sakay na tila Anak ng Tao at may kasamang hukbo ng mga anghel at glorified Church Age believers, iyan ang TANDA na magtatapos na ang panahon. Finally, maghahari na ang katuwiran, first for 1000 years, then eternally kapag bumaba ang Bagong Jerusalem. 

Walang mga tanda ng katapusan ng panahon. Ang mga giyera at lindol ay mangyayari dahil ito ay bahagi ng kasaysayan at karanasan ng tao. Hindi pinaghihintay ni Cristo ng MGA TANDA ang mga tao; pinaghihintay Niya sila ng KANIYANG TANDA, nag-iisang tanda! 

Kaya tinutuya ng mga tao ang mga Cristiano dahil sa kabiguang unawain ito. For every false prophecies na hindi natupad, tayo ay nagiging katawa-tawa until we lost credibility. Tapos magpi-feeling victim tayo na, "I am being persecuted! Inuusig ako dahil sa aking pananampalataya!" when in fact it is our own misunderstanding that generates the mocking. Had we stick to what the Bible says and avoid speculative popular theology, we would be focusing on the more important evangelizing the unsaved and edifying of the saints. Then we will be sober and waiting for God to unfold His plan while our hands are working, not mindlessly looking in the skies waiting for a fulfillment of a promise that was misunderstood. 

Maging mapanuri. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga false teachers ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina para sa inyong mga sarili. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)





Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?