Salvation of the soul


Isa sa maling presuposisyon ng mga tao, kahit pa pastor, ay kapag nabasa ang salitang ligtas o kaligtasan, ang iniisip agad ay kaligtasan mula sa impiyerno. This is very wrong. Instead ang tamang isipan ay tingnan ang context at tanungin ang sarili, ligtas mula saan? 

Ang ikalawang pagkakamali ay ang pag-aakalang ang salvation of the soul equals regeneration or eternal salvation. Hinahamon ko ang sinuman na silipin ang sampung gamit ng pariralang ito at suriin kung ito ba ay nangangahulugang aakyat sa langit. Alternatively you can just read this blog:

"The expression the saving of the soul occurs ten times in the NT: Matt 16:25 (and parallels in Mark 8:35 and Luke 9:24; 17:33); Mark 3:4 (and parallel in Luke 6:9); Heb 10:39; Jas 1:21; 5:20; 1 Pet 3:20. We will look at them later. But for now, let me say that the saving of the soul does not refer to regeneration, the new birth." 

https://www.facebook.com/share/p/1C3kMNe5Tp/

Isa pang pagkakamali ng mga pastor ay si Jesus ay namatay para iligtas ang kaluluwa. Nabasa ko sa Bibliang namatay si Jesus para maging pampalubag loob sa ating mga kasalanan, namatay Siya para tubusin ang Kaniyang Simbahan, at namatay Siya para sa ating mga kasalanan, atbp ngunit walang sinabing namatay Siya para sa kaligtasan ng ating kaluluwa. 

Hindi rin totoong hindi mahalaga ang katawan at ang mahalaga lang ay kaluluwa. Ang tinubos ni Cristo ay ang buong tao. Namatay Siya upang bayaran ang penalty ng kasalanan, para palayain ang Cristiano sa dominyon ng kasalanan at para alisin ang lahat ng marka ng kasalanan. Ang kaligtasan ni Jesus ay all-encompassing. Sa sandali ng pananampalataya tayo ay nagkaroon ng buhay na walang hanggan. Ang ating espiritu ay nabuhay, Juan 3:6. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng doktrina, ang kaluluwa ay naliligtas. At sa Rapture, ang ating katawang lupa mismo ay ireresurect at igo-glorify. Hindi ka Niya bibigyan ng bagong katawan kundi ang dating katawan ang muling bubuhayin at igo-glorify. So sa Rapture mayroon akong new and improve na katawan ni Dante 2.0, hindi ang katawan ni Piolo Pascual. 

Ang katotohanang ito ay may implikasyon sa ating evangelism. I stopped asking people kung ligtas na ba ang kaniyang kaluluwa. Ang kailangan ng unbelievers ay eternal life hindi ang kaligtasan ng kaluluwa. Ang kaligtasan ng kaluluwa ay kailangan ng mga believers. Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagtupad ng Salita ng Diyos ang kanilang kaluluwa o buhay ay naliligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan at sa mga konsekwensiya nito (kamatayan, depresyon, problema atbp). 

Ito rin ay nagbibigay linaw sa mga discipleship passage like Matthew 16 at Hebrew 11. Ang isyu ay kaligtasan ng kaluluwa mula sa insignipikansiya ng pamumuhay sa laman at kasalanan, hindi kung paano umakyat sa langit. Ang kaligtasang ito ay mahahayag sa Bema kapag natanggap na ang gantimpala. Samakatuwid ang Cristianong hindi nag-aaral at tumutupad ng Salita ay hindi ligtas ang kaluluwa - namumuhay pa siya sa laman. Aakyat siya sa Langit pero walang halaga ang buhay niya sa lupa at walang rewards sa Judgement Seat o Bema of Christ.

Sa huli, maging mapanuri. Huwag nating hayaang bulagin tayo ng ating relihiyon, seminaryo, mga libro upang unawain ang Biblia mismo. Maraming kampante sa kanilang pangangaral, may pasigaw-sigaw at pahampas-hampas pa sa pulpito, ang kulang sa kaalaman sa mga basikong ito. Matutong magpakumbaba at matuto. Ang titulo at barong ay hindi garantiya ng accuracy sa doctrine. Magsuri. Magsiyasat. Huwag ninyong hayaan ang mga huwad na gurong nakawin ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 

Read the following on salvation of the soul. They can explain the doctrine better than I do. 

https://www.facebook.com/share/p/15HRjWLeoB/

https://www.facebook.com/share/p/1919NEDAaN/

https://www.facebook.com/share/p/1641ngYJH1/

https://www.facebook.com/share/p/1WameTVDSf/

https://www.facebook.com/share/p/1DNSHizEnE/

https://www.facebook.com/share/p/1AX912jDai/

https://www.facebook.com/share/p/17VcCg16uJ/

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Ano ang ibig sabihin ng Awit 49:7-9?