Rapture and Date setting

 

Isang simpleng search sa web browsers ang magpapakita kung gaano karaming beses na natukso ang mga Cristiano na magset ng date para sa Rapture. And every one of them fails to be fulfilled. Dahil dito ang mga dispensationalists ay nagiging laughing stock ng theological world. Kahit mga kultong hindi nanghahawak sa dispensationalism ay madalas i-lump sa mga Cristiano every time na sila ay magset ng date na hindi natupad. Sa kaisipan ng marami, ang dispensationalism equals date setting. This is not fair but if some dispy brothers keep on date-setting, the rest of us will be guilty by association. 

Ito ay isang bukas na liham ng pakiusap. Just stop. I get it. Mahal na mahal ninyo ang Panginoon at hindi ninyo mahintay ang Kaniyang pagbabalik. But this is not sufficient justification to set dates, dates that will never be fulfilled dahil malinaw sa Kasulatan na ang Rapture ay imminent- it can happen anytime. Useless ang pagsagawa ng newspaper eisegesis o ang pagsilip sa nangyayari sa tabloid bilang barometro ng pagbalik ni Jesus. For all we know the Rapture will not happen for another two thousand years. 

Sa halip na mag-engage sa useless and unprofitable na date-setting and eschatological speculation/newspaper eisegesis, mas maiging magpokus tayo sa dalawang misyon ng simbahan - abutin ang mga unbelievers ng simpleng mensahe ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Cristo lamang at edipikasyon ng mga mananampalataya sa maturidad upang sila ay maging kagamit-gamit na lingkod sa simbahan. We are hurting our cause and pur doctrine every time someone engage in date setting.

Bilang mga consistent futurists, alam nating ang sunod sa agenda ng Diyos ay Rapture. So kung narito ka pa sa mundong ito, walang propesiyang magaganap. Masasabing the stage is being set for endtime events but until the Church is here, the wheel of prophecy will not turn. So kung andito ka pa, wala pang Rapture. Stop speculating. No Christian will miss it. Unless you're an unbeliever. 

Huwag tayong magpadala sa takot sa nangyayari sa mundo. Magkakaroon ng giyera, kalamidad, sakuna, epidemya at iba pa. Pero hanggang may Cristiano pa sa mundong ito, wala pang katapusan ng mundong magaganap. Tayo ang asin ng sanlibutang ito at kung tayo ay mawala, mawawala rin ang preservatives ng mundong ito. Saka lang darating ang Tribulation.

So stop looking for Antichrist. Stop looking for 666. It is supposed to be a wisdom. Malalantad lang ito sa Tribulasyon na mismo. Stop historcism or seeing fulfilment of prophecy in our tabloids. Everything in Revelation is still future. 

Christians huwag kang matakot. The promise is secure- every believer will be raptured. No one will be left behind. Sabi iyan sa 1 Tesalonica 4:13-18. 

Huwag kayong magpadala sa mga false preachers na hindi grounded sa doctrine. Focus on Jesus. Leave the speculations to unbelievers. 

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?