Nawala ang kaligtasan ng kaluluwa sa MBB
A concrete example of why I hate MBB. Compare this from AB1905 with the MBB in the picture below.
Hebreo 10:38 Nguni't ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa. 39 Nguni't tayo'y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.
Sa MBB, pinalalabas na may dichotomy between believers and unbelievers. Ngunit sa AB ang isyu ay ang matuwid na tumalikod o umurong, napapahamak; siya ay hindi kalulugdan ng Panginoon at ang kaniyang kaluluwa ay hindi maliligtas. Bakit? Dahil hindi siya namumuhay sa pananampalataya kundi umuurong sa ikapapahamak. Sa Hebreo 11, i-e-elaborate ng awtor ng Hebreo kung paano ang mananampalataya makapapamuhay sa pananampalataya - kailangan niyang mamuhay na may kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, kailangan niyang mamuhay sa katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Lahat ng nasa listahan ng bulwagan ng mga bayani ng pananampalataya ay namatay na hindi nakita ang katuparan ng pangako ng Diyos sa kanilang buhay. Gayon pa man, namuhay silang may pananampalataya. Hindi man nila makuha sa buhay na ito, makukuha nila ito sa resureksiyon ng mga matuwid. Hindi sila umurong sa ikapapahamak. Dahil dito naligtas ang kanilang kaluluwa o buhay.
Ang kaligtasan ng kaluluwa ay hindi ang eternal na kaligtasan. Ito ay ang pamumuhay nang matuwid nang may pananampalataya na nagliligtas sa iyong buhay mula sa kapangyarihan ng kasalanan at mga konsekwensiya nito (kamatayan, depresyon, dibinong disiplina, pagkawala ng rewards sa Bema, etc).
Dahil sa salin ng MBB, nasira ang pagkakataong magkaroong ng word study sa kaligtasan ng kaluluwa. Nawala ang "ikaliligtas ng kaluluwa" at naging naliligtas (which in most mind means salvation from hell). Paano mo ngayon malalaman na sa Bible pala ang salvation of the soul (10 uses ayon kay Wilkin) ay hindi regeneration?
Maging mapanuri. Magtanong. Huwag maging pasibong tanggap nang tanggap ng kung ano ang tinuturo sa pulpito. Be Bereans.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment