Iba't Ibang Rapture Views

 


Sa mga nakaraang blog, nakita natin ang kahulugan ng rapture at ang pagkakaiba nito sa ikalawang pagbabalik ni Cristo. Aa blog na ito tingnan naman natin ang iba’t ibang pananaw tungkol sa Rapture.

Ang unang pananaw na siyang aking pinanghahawakan ay ang. Pretribulation Rapture. Ayon sa paniniwalang ito, ang Rapture ay mangyayari bago ang Tribulation, na 7-taong panahon ng pagdurusa at kahatulan sa lupa. Tinuturo ito sa 1 Tesalonica 4:13-18; 1 Corinto 15; Juan 14 at marami pang iba. Kilalang tagapagtaguyod sila Hal Lindsey, Tim LaHaye, John Walvoord, R. B. Thieme, Jr, Tommy Ice, Robbie Dean at Arnold Fruchtenbaum. Ang lahat ay inaanyayaang bumisita sa pre-trib.org website.

Ang ikalawang pananaw ay ang Posttribulation Rapture. Nanjni ito na ang Rapture ay mangyayari pagkatapos ng Tribulation, kapag si Cristo ay nakabalik na sa lupa upang itatag ang Kaniyang kaharian. Pinagbabatayan nila ang Mateo 24:29-31 at Apocalipsis 19:11-21. Kilalang tagapagtaguyod sila George Ladd at Robert Gundry.

Ang ikatlong pananaw ay Midtribulation Raptusa. Sa paniniwalang ito, ang Rapture ay mangyayari sa kalagitnaan ng Tribulation, sa marka ng 3.5 taon. Binase nila ito sa Daniel 9:27 at Pahayag 11:15-19. Wala akong kilalang awtor na nagtataguyod nito bagama’t mayroon akong mga nakadiskusyon sa mga FB discussion groups na nanghahawak dito.

Ang ikaapat na pananaw ay Pre-Wrath Rapture. Ito ay naniniwalang ang Rapture ay mangyayari bago ang galit ng Diyos ay ibuhos sa lupa, ngunit pagkatapos na nagsimula ang Tribulation. Sa paniniwalang ito, babagsak ang poot ng Diyos sa pagbukas ng ikaanim na selyo ng Pahayag 6. Ang kanilang basehan ay 1 Tesalonica 1:10 at Pahayag 6:17. Mga kilalang tagapagtaguyod si Marvin Rosenthal. Sa pre-trib.org may debate si Tommy Ice ng pretrib view at si Marvin Rosenthal ng pre-wrath view. In my opinion, the second likeliest view to be correct after pretrib is pre-wrath. Mas matimbang sa akin ang pretrib dahil sa issue ng imminency.

Ang ikalima na pananaw ay Partial Rapture. Sa pananaw na ito tanging ang mga mananampalataya na mayroong espiritwal na paghahanda at nagbabantay para sa pagbabalik ng Panginoon ang dadalhin sa Rapture. Ang kanilang basehan ay Lucas 21:36 at Pahayag 3:10. Nanghahawak sa partial view ang pamosong Tsinong lider na si Watchman Nee. Sa aking opinyon, ginagawa nitong chop chop lady ang simbahan.

Finally may naniniwalang Walang Rapture. Ayon sa pananaw na ito walang Rapture na pangyayari; ang mga mananampalataya ay dadaan sa Tribulation at muling bubuhayin sa pagtatapos nito. Wala silang maibigay na Kasulatan dahil ang mga tagapagtaguyod ay nangangatwiran na ang Rapture ay hindi tinuturo ng Biblia. Nababasa ko lang ang posisyung ito sa mga systematic theologies. Personally wala pa akong nabasang aklat na nagtuturo nito.

Personally, nanghahawak ako sa Pre-tribulational Rapture. Sa aking opinyon ito ang tinuturo ng Kasulatan bagama’t ginagalang ko ang karapatan ng ibang Cristianong manghawak sa ibang Rapture views. Bagamat hindi ito pipigil sa akin upang maki-fellowship sa iba, hindi ako papayag na ituro ito sa pulpito ng simbahan.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?