Huwag bayaan ang pakikipagtipon
Hebreo 10:24 At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa;25 Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.
Sa Hebreo 10:24-25, may praktikal na payo ang may-akda para sa mga Hebreong mananampalatayang inuusig ng mga legalista at Judaiser- huwag pabayaan ang pakikipagtipon. Dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesus bilang Mesiyas, ang mga mananampalatayang ito ay tinuturing na taksil sa bansa at nakaranas ng pag-uusig. Ang ilan ay nawalan ng mga pag-aari bagama't wala pa namang nagbubo ng dugo. Dahil sa intensidad ng pag-uusig, may mga Hebreong mananampalatayang natutuksong bumalik sa Judaismo upang maiwasan ang pag-uusig. Sila ang sinulatan ng may-akda ng Hebreo.
Ironically, ang legalismo ang dahilan upang pabayaan nila ang pagtitipon. Sa panahon nating ang legalismo ay nakapasok na sa mga simbahan, ang aplikasyon ng tekstong ito ay kabaligtaran- kailangang lumabas ang mga Cristiano palabas ng mga legalistang simbahang ito. Kung nais nating panatilihin ang kalayaan ng biyaya, marahil darating ang panahon na kailangan nating iwan ang ating mga simbahan at magsimula ng bagong pagtitipon. Hindi natin dapat ikompromiso ang malaya at libreng biyaya ng Diyos.
Hebreo 13:12 Kaya naman si Jesus, upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay nagbata sa labas ng pintuan.13 Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta.
Ngunit kung ang simbahan ay hindi naman impektado ng legalismo at ang libreng biyaya ay tinuturo, hindi natin dapat pabayaan ang pagtitipon-tipon. Ang pagtitipon ay mahalaga sa ating espirituwal na kalusugan. Ito ang proteksiyon natin laban sa leong maninila. Ito ang pugon na nagpapanatili ng apoy ng ating mga baga. Sabi ko nga sa isang kapatid, "Kung ako may kaaway, iiwasan kong mag-solo. Kung matiyempuhan ako ng aking kaaway, wala akong maipapalag. Sa halip lagi akong sasama sa grupo upang may magtatanggol sa akin." This is true spiritually.
"At tayo'y mangagtinginan upang tayo'y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa." Ang pagtitipon ay mahalaga upang mag-udyukan sa pag-iibigan at mabubuting gawa. Ang ating mga pagtitipon ang pagkakataon upang magbahagian ng ating mga problema, magbigay ng kaaliwan, palakasin ang loob ng bawat isa upang magpatuloy dahil ang pag-ibig ay laging naghahanap ng ikabubuti ng bawat isa. Ito rin ang panahon upang udyukan ang bawat isang magpatuloy sa paggawa ng mabuti. Marahil ang isang kapatid ay pinanghihinaan ng loob dahil palagay niya ang kaniyang kabutihan ay hindi appreciated. Ito ang pagkakataon upang i-encourage siyang magpatuloy. Hindi man appreciated ng tao, may Diyos na nakakakita.
"Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw." Huwag nating pabayaan ang pagtitipong ito. Huwag nating gayahin ang mga Judiong mananampalatayang bumigay sa legalismo. Dahil sa takot nila sa mga pag-uusig ng mga legalista, bumalik sila sa relihiyon. Nauunawaan kong ang aplikasyon nito ay maaaring baligtad sa iyong sirkumstansiya. Kung gusto mong sundin ang tekstong ito maaaring nangangahulugan itong iwan mo ang iyong legalistang simbahan upang maghanap ng simbahan ng biyaya o upang magpasimula ng bago. Ngunit hindi nito tinuturo ang Lone Ranger Christianity. Nang maligtas tayo nilagay tayo ng Diyos sa isang Katawan, dapat nating gampanan ang ating papel sa Katawang iyan.
Habang nalalapit ang posibilidad ng Rapture (and because time is linear, we are closer to it now than yesterday), mas lalong dapat tayong maging masikap sa ating pagtitipon. Ang ating fellowship ay dapat lalong lumakas. Ano ba ang fellowship? Bagama't hindi ginamit sa tekstong ito (ang pagtitipon dito ay mula sa porma ng EPISINAGOGE), sa ibang bahagi ng Kasulatan ang pagtitipong Cristiano ay nilalarawan bilang KOINONIA, sharing of life together.
Ano ang KOINONIA o fellowship? Marahil ang pinakamagandang halimbawang maibibigay ko ay ang malapit na relasyon sa mga magpipinsang nagkasundong magkita-kita. Bagama't iba-iba ang kanilang edad, tinapusan o hilig, sila ay nagkasundong hindi ito maging hadlang upang ma-enjoy ang bawat isa. Sila ay nagkukwentuhan, kumakain, naglalaro, nag-aasaran, nagtatawanan at iba't ibang ekspresyon ng pagbabahagi ng sarili. Ang KOINONIA ay hindi ang pagtitipon kada isang quarter upang kumain hanggang mabundat at umuwi na walang "pagbabahagi ng sarili." Ang KOINONIA is more than sharing food. It is a sharing of self to others, an openness.
Nakalulungkot na ang ating mga simbahan ay patay sa FORMALISM. Lahat ay nasa ayos, pero walang buhay. Wala ang spontaneity na makikita sa malalapit na magkakaibigan. Ang ating mga serbisyo ay dominated ng iilang Cristiano, hindi nakakabahagi ang ibang kapatid upang maglingkod gamit ang kaniyang kaloob. Kung minsan pilitan pa sa pagpapakanta, pananalangin o pagtutugtog. Ang ating mga kainan ay paunahang mabundat; walang moving around upang makichika-chika about life. Ang ating mga simbahan ay hindi KOINONIA, ito ay MONOLOGO ng iisa o iilang tao. The rest are mere spectators.
Bilang isang guro madalas kong makita ang aking mga estudyanteng tumatambay sa isang gilid. Then out of nowhere, may magsisimulang tumugtog at kumanta, then the others will sing along. Ang may sobrang pera ay bibili ng snacks to share. May nagkukuwento, may nang-aasar, they have the best time of their life. Ito ang buhay na gusto kong makita sa ating mga pagtitipon.
Ang ating mga simbahan ay patay. Late na dumating, paunahan pang umalis. Ni hindi man lang naisip na mag-ayos ng mga upuan. Walang chikahan after church service. Musta? Ano ang buhay? Atbp.
We should start asking ourselves ano ang purpose natin sa pagtitipon. Are we just gathering for the sake of gathering, you know religion? Kasi kapag hindi ka nagsimba ikaw ay unfaithful? Or do you gather with others intentionally? To share and to learn from others. Nag-iiskedyul ba tayo ng activities para lang masabing active? Or are we doing it for a purpose? Sayang ang pera, oras at lakas kung tayo ay nagtitipon without a purpose.
Ano ang pagkakaiba ng mga simbahan natin sa mga estudyanteng aking binanggit? Tayo ay dead FORMALIST. Nagtipon tayo dahil we have to, just a box to be checked. Nakarinig na tayo ng monologue, okay na, faithful na ako. But yung mga estudyante ko nagtipon with a purpose- to share life together.
I will be honest most of the time mas marami pa akong fellowship na nararanasan kapag pumupunta ako sa bahay ng aking biyenan. We share the Bible with each other, tell our weekdays, eat food together, atbp. Ang everytime time is so short. Minsan four hours na pala kaming nakatambay at madilim na pero hindi ako napapagod o nagsasawa. Compared sa ating mga dead church services na ang two hours ay napakahaba. Wala kasing camaraderie.
Let us stir each other in love and good works. Maybe the right person will read this. Maybe this will stir the pot and change will happen.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment