Enemy Infiltration: Beware
Jude 1:4[4]For certain persons have crept in unnoticed, those who were long beforehand marked out for this condemnation, ungodly persons who turn the grace of our God into licentiousness and deny our only Master and Lord, Jesus Christ.
Acts 20:29-30[29]I know that after my departure savage wolves will come in among you, not sparing the flock;[30]and from among your own selves men will arise, speaking perverse things, to draw away the disciples after them.
Ephesians 4:27 [27]and do not give the devil an opportunity.
Hindi ko purpose na talakayin ang mga sitas na ito. Sinipi ko lang sila for one reason- to show na si Satanas ay isang genius military commander na laging nagpaplano kung paano pabagsakin ang Simbahan. Minsan ginagawa niya ito by directly attacking the Church, sometimes by physical persecution. Minsan he attacked from the inside, through infiltration.
More than everyone, gusto kong dumami ang mga nagsisimba. Nakakatuwang makitang puno ang simbahan.
But as a watchman, I have to give a warning. Isa sa mga paraan ng kaaway ay magpasok ng espiya o ahente sa loob. Marami na tayong nahuling mga foreign agents na pinagdududahang nag-eespiya sa ating bansa. This week, tatlong Pinoy sa China ang inaresto dahil umano sa espionage. The same thing can happen to the Church.
May mga bisita pero mag-ingat tayo na ang mga bisitang ito ay hindi spies na ang layon ay i-infiltrate at i-takeover ang ating church. Yes we're harmless as doves- nagagalak tayong dumating sila dahil makaririnig sila ng mensahe ng buhay. Pero kaiingat kayo (sabi nga ni Marcelo Del Pilar), dapat tayong maging tusong gaya ng ahas. Baka mamaya, hindi natin namamalayan, na-takeover ba ang ating church from behind the scenes. Manipulated na pala tayo and without knowing it we're following their directives. Nagi na silang handlers.
Paano?
Isa sa mga taktika ng mga kulto (and other religious fanatics) ang pumasok sa church and ingratiate himself to the church. By giving the Church favor through monetary or relational means, napapalapit siya sa simbahan. Then kapag nakuha na niya ang loob ng simbahan, saka siya dahan-dahang nag-i-introduce ng kaniyang heresies. Gagawin niya ito in a subtle manner, through flatteries, palalabasin niyang ang mga ito ay original ideas ng church. Maaaring hindi nila direktang hawak ang pulpito pero kung ang pastor ay hawak sa ilong, maimpluwensiyahan nila ang buong simbahan.
I wrote before warning against just anyone teaching the pulpit. I am writing now warning against skilled infiltrators.
Magsisimula sa getting to know each other, then socialization sa mga tea parties (or whatever the Pinoy equivalent), then invite sa church activities for "cultural exchange", offer of monetary favors (donations, solicitations, wages, etc), then takeover when the church is indebted. Especially sa ating mga Pinoy with our strong utang na loob mentality, mahirap sa ating mag-refuse sa favor. I mean one sermon lang naman di ba? What is the harm? Youth activities lang naman di ba? Why not?
Maaaring napaparanoid lang ako but someone has to voice out the concern. Knowledge is power and to foreknow is to be forearmed. Hindi ko sinasabing to cut ties with everyone who doesn't speak or dress or think like us (hindi naman tayo isolationist cults) but I am saying we should be careful. We should shake the right hand while watching the left hand - malay mo may patalim.
Be sober. Be watchful.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment