Did the Bible teach that the Rapture is an intense feeling or joy?
The word Rapture (RAPTURO) comes from the Latin noun form of the Greek verb HARPAZO. Those who claimed that the Bible did not teach the rapture needs to reread 1 Thess 4:17.
Ang salitang HARPAZO ay ginamit ng 13 na beses sa KJV: Mateo 11:12; 13:9; Juan 6:15; 10:12, 28, 29; Gawa 8:39; 23:10; 2 Corinto 12:2, 4; 1 Tesalonika 4:17; Judas 23 at Pahayag 12:5. Lahat ng gamit dito ay nagpapakita ng ideya ng movement o departure. Wala isa man dito ang ginamit na nangangahulugang intense joy or feeling. Kung ganuon saan galing ang ideyang ito?
Ang ideyang ito ay hindi nanggaling sa Biblia kundi galing sa English dictionary. Ayon sa Merriam-Webster's dictionary ( https://www.merriam-webster.com/dictionary/rapture#:~:text=Synonyms%20of%20rapture-,1,carried%20away%20by%20overwhelming%20emotion ), ang salitang rapture/Rapture ay may tatlong posibleng kahulugan depende sa gamit.
rapture noun rap·ture ˈrap-chər
Synonyms of rapture
1: an expression or manifestation of ecstasy or passion
2 a : a state or experience of being carried away by overwhelming emotion
b : a mystical experience in which the spirit is exalted to a knowledge of divine things
3 often capitalized : the final assumption of Christians into heaven during the end-time according to Christian theology
Dahil sa may tatlong pangunahing gamit ang salitang rapture/Rapture sa wikang Ingles ang sinumang gumagamit sa salitang ito ay kailangang linawin kung alin sa tatlong ito ang kaniyang pinakakahulugan. Ito ba ay expression of being carried away by overwhelming emotion gaya ng rapture na nararanasan ng babaeng inalok ng kaniyang nobyo ng kasal? O ang ikalawang kahulugan na madalas gamitin sa mga cult/religious leaders na nagki-claim ng new revelation/s? O ang pangatlong kahulugan na tanging entrada na eschatological? Malinaw na sa 1 Tes 4:17, ang pakahulugan ay ang ikatlong entry. In fact the only reason the 3rd meaning enter the dictionaries is because it is a term widely used to describe the theology of 1 Thess 4:17. Kung wala ang 1 Tes 4:17, malabong pumasok ang ikatlong entry sa diksiyunaryo.
Why belabor this point? Dahil nitong Linggo, nakarinig ako ng isang sermon kung saan ang ministro ay guilty ng equivocation o paggamit ng dalawang magkaibang salita na magkapareho ang tunog o ng isang salita na may dalawang magkaibang kahulugan (take your pick kung alin sa dalawa ang inyong gustong kahulugan). The result is may pagkakataong nagbabanggit siya ng Rapture in the 1st sense and may pagkakataong nagbabanggit siya ng Rapture in the 3rd sense. Ang resulta ay nag-i-introduce siya ng doktrina na hindi naman tinuturo ng Kasulatan.
Never na tinuro ng Kasulatan ang Rapture bilang intense pleasure or joy or feelings. In fact, may mga Cristianong mapapahiya sa pagdating ng Panginoon (1 Juan 2:28). Mayroong may malawak na pagpasok (na nagpapakitang mayroong hindi), 2 Pedro 1:11. Kaya nga ang Rapture ay madalas ituro bilang isang event kung saan dapat makaapekto sa ating pamumuhay (1 Juan 3:1ff; 1 Cor 15; 1 Tes 4:13-18; Juan 14; Tito 2). Hindi tayo dapat matakot sa mundo, dapat tayong mamuhay nang dalisay, dapat tayong magtrabaho at huwag malumbay kapag may kapatid na naunang yumao dahil ang ating blessed hope ay Rapture (Tito 2:11-14). May mga Cristianong hindi gagawin ang mga ito at ang Rapture ay hindi magiging intense feeling of joy sa kanila kundi intense shame. At the worst it is escapism from problems in life.
Ano ang makukuha nating leksiyon dito?
Una, ang Biblical words ay dapat i-define gamit ang Bible dictionaries, hindi English dictionaries. Sa Greek ang word na ginamit ay HARPAZO, at anumang depinisyon ng Rapture ay dapat magsimula dito. Narito ang sabi ng ilang diksiyunaryo:
00726 (AbbottSmithStrongs)
ἁρπάζω, [in LXX chiefly for גּזל, טרף;] to seize, catch up, snatch away, carry off by force: c. acc. rei, Mt 12:29 13:19, Jo 10:12, 28, 29; τ. βασιλείαν τ. θεοῦ, Mt 11:12; c. acc. pers., Jo 6:15, Ac 8:39 23:10, Ju 23; pass., seq. ἕως, II Co 12:2; εἰς, II Co 12:4, I Th 4:17; πρός, Re 12:5 (cf. δι-, συν-αρπάζω, and v. MM, s.v.).†
G726 (BDBT)
-Original: ἁρπάζω
- Transliteration: Harpazo
- Phonetic: har-pad'-zo
- Definition:
1. to seize, carry off by force
2. to seize on, claim for one's self eagerly
3. to snatch out or away
- Origin: from a derivative of G138
- TDNT entry: 08:52,8
- Part(s) of speech: Verb
- Strong's: From a derivative of G138; to seize (in various applications): - catch (away up) pluck pull take (by force)
G0726 (Dodson)ἁρπάζω v. I seize, snatch, obtain by robbery
00726 (StrongsGreek)
ἁρπάζω harpázō, har-pad'-zo from a derivative of 138; to seize (in various applications):--catch (away, up), pluck, pull, take (by force).
Ikalawa, usage determines meaning. Mas mahalaga kaysa lexical meaning ng salita ay ang usage nito sa Kasulatan. Dito papasok ang kahalagahan ng word studies. Gaya ng nasabi sa taas, 13 times na ginamit ang HARPAZO sa Greek text na ginamit sa KJV (maaaring iba sa mga CT-based translations. Ang pagsilip sa mga sitas na ito ay magpapakita kung paano ginagamit ang salita sa Biblia. By looking into EACH of these 13 usages, makikitang wala isa man sa mga ito ang nangangahulugang "intense feelings of joy."
Ikatlo, ang English dictionaries ay hindi determinative ng meaning ng Bible words. Maaari mo silang gamitin upang malaman ang kahulugan ng salitang Ingles na ginamit sa paborito mong English Bible pero anumang kahulugan nito pertains only to the English word, not the meaning of the Biblical word. Hindi porke ginamit ang intense feeling sa English word na Rapture ay i-i-import mo ito sa 1 Tes 4:17. That is eisegesis. Wala kang pinagkaiba sa isang kulto na palibhasa may nabasang far and east sa Is 46:11 ay nag-conclude na Pilipinas ang binabanggit at ang kanilang founder ang ibong mandaragit. Ang Pilipinas ay isang Isla sa Far East pero hindi ito ang meaning ng Isaias kundi galing sa mga geography books na in-import sa Biblia. Same thing here.
Ikaapat, upang mabuo ang kabuuan ng doktrina ng Rapture, dapat banggitin ang lahat ng aspeto ng doktrina- talakayin ang mga sitas na tumutukoy dito, hindi lang ang actual words na may HARPAZO; ang relasyon nito sa Simbahan, Israel at Gentil; ang relasyon nito sa pisikal na pagbabalik ni Jesus sa Bundok ng Olibo, atbp. We shouldn't throw the words Rapture and Second Coming carelessly dahil may pagkakaiba ang dalawa. Keeping the two separate prevents us from the errors of date-setting. The Rapture is signless, it is imminent and can happen anytime. So it doesn't matter kung anumang mangyari sa mundo, it cannot help you date the Rapture.
Tayo ay mga Bible believers, so let us stick with the Bible. Huwag tayong maging careless na sa kagustuhan nating maging maganda pakinggan ang ating sermon ay nagiging clumsy tayo sa ating studies. While the idea of "being prepared for the Rapture in light of the evil present in the world" will preach well, the truth is there is no sign to the rapture. The only time we know we have been raptured is when in the blink of an eye we're standing in front of Jesus. And nothing precedes it. It can be now, it can be tomorrow, it can be this very second.
Kapag nagkamali ang layman, sarili niya lang ang mapapahamak. Kapag nagkamali ang ministro, lahat ng napaniwala niya ay damay. So be careful with your teaching. More importantly, be careful how you derive your teaching kasi without being conscious of it, we're sharing our hermeneutics. If we derive our doctrines by clumsily importing Webster -Merriam's meaning to Bible words, iyan din ang gagawin ng nakikinig.
Study. Present yourself approved before God. Do it in a way that you will not be ashamed. Because you rightly divide/accurately handle the Word of Truth.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment