Ano ang kaligtasang tinutukoy sa 1 Tesalonica 1:10
1 Tesalonica 1:10 At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating.
Ano nga ba ang kaligtasang tinutukoy sa 1 Tesalonica 1:10?
Maraming pastor ang may itch na basta makabasa ng word na kaligtasan, ang iniisip agad ay kaligtasan mula sa impiyerno o kaligtasan mula sa kasalanan. Ngunit ito ay maling approach dahil gaya nang madalas na ninyong mabasa sa aking mga blogs, we have to consult the context. Saved from what?
Sa unang bahagi ng chapter one, pinuri ni Pablo ang katapatan at paglago sa pananampalataya ng mga taga-Tesalonica. Ang paglago na ito ay nakikita ng lahat, ang ang mga hindi mananampalataya ang nagpapatotoo ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga mananampalataya ng Tesalonica (v8-10). Mula sa mananamba ng mga patay na idolo (unbelievers), sila ay naging mga believers at hindi lang basta believers, believers na naglilingkod sa buhay na Diyos. Obvious sa kanilang komunidad ang kanilang paglago espirituwal. Hindi na nila kailangang purihij ang kanilang mga sarili dahil sa kasipagan nilang magsimba, pagdadala ng Biblia o mga gawaing paglilingkod; ang mga unbelievers na ang pumupuri sa kanila. In fact sabi ni Pablo, wala na siyang masabi pa.
Samakatuwid ang kaligtasan sa v10 ay walang kinalaman sa kaligtasan sa impiyerno. Alam, kahit ng mga unbelievers, na sila ay mananampalataya. Sa halip na kaligtasan mula sa impiyerno, sila ay naghihintay ng ibang uri ng kaligtasan – kaligtasan mula sa galit na darating.
Ano ang galit na darating? Sa mga palabasa ng Lumang Tipan, alam ninyong may galit ng Diyos na darating sa mundong ito. Nilarawan ito sa Pahayag, tinalakay ito sa chapter 5 ng epistulang ito. Kilala natin ito bilang Tribulasyon. Samakatuwid naghihintay sila ng kaligtasan mula sa Tribulasyon. Paano? Sa pamamagitan ng pagdating ni Cristo para sa mga banal, isang pangyayaring kilala natin bilang Rapture.
Na hindi ito kapareho ng kaligtasan mula sa impiyerno ay makikita sa katotohanang ang kaligtasang ito ay future. Ang kaligtasan mula sa impiyerno ay past. Sa sandaling ang tao ay manampalataya kay Cristo, sa sandaling iyan, siya ay nilipat mula sa kamatayan patungo sa buhay. Siya ay may buhay na walang hanggan na hindi maiwawala. This is a present possession of every believers in Christ.
Ngunit nag kaligtasang ito ay future dahil ang mga ligtas na taga-Tesalonica ay naghihintay pa sa pagdating ni Cristo (tatalakayin sa 1 Tesalonica 4:13-18) upang magligtas sa kanila sa darating na galit. Pansining ang galit ay future. Hindi pa ito dumarating at sa chapter two, nilinaw ni Pablong hindi ito darating hanggat hindi nagaganap ang Rapture. Samakatuwid rapture muna bago ang Tribulasyon.
Ang mga mananampalataya ay pinili ng Diyos upang huwag makaranas ng galit na darating. Hindi tayo papasok sa Tribulasyon. Ito ang kaligtasang binabanggit sa v10 ng 1 Tesalonica 1.
Maaari naman sanang padaanin tayo ng Diyos sa Tribulasyon. Kahit ligtas na tayo, pwede Niya sana tayong ipailalim sa pag-uusig ng Anticristo for 7 years pero hindi ito ang Kaniyang plano. Sa biyaya ng Diyos ang lahat ng mananampalataya sa dispensasyong ito ay hindi papasok sa Tribulasyon. Ang ibang mananampalataya ay papasok, pero hindi ang mga mananampalataya sa dispensasyong ito. Ito ang kaligtasan mula sa galit na darating.
Huwag kayong maniwalang ang kaligtasang ito ay kaligtasan mula sa impiyerno. Dahil kung oo, ibig sabihin noon hindi pa kayo tiyak ng kaligtasan. Hindi pa dumarating si Jesus.
Taliwas ito sa 1 Juan 5:10-13 na nagsasabing maaari kang magkaroon ng katiyakan ngayon – ang sinumang manampalataya ay may buhay na walang hanggan. Kung nanampalataya ka ngayon, ngayon mismo ay may buhay kang walang hanggan.
Ang kaligtasan ng 1 Tesalonica 1:10 ay in the future, ito ay kaligtasan mula sa Tribulasyon. Hindi natin tiyak kung mararanasan natin ito sapagkat maaaring patay na tayo bago dumating ang Rapture. Hindi na natin kailangan ang kaligtasan mula sa poot na darating dahil patay na tayo, pero mararanasan natin ang Rapture bilang Grand Reunion (see my blog on this). Ngunit sa mga mananampalataya na aabutan ng Rapture, mayroon silang pangako ng kaligtasan mula sa poot na darating.
Maging mapanuri. Tumutok sa Kasulatan. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang karapatang mag-isip ng doktrina.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment