Ang Rapture



1 Tesalonica 4:13 Nguni’t hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo’y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.14 Sapagka’t kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.15 Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.16 Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.18 Kaya’t mangagaliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.

Nagsimula ang pasaheng ito sa “Ngunit.” Gusto ni Pablong ituro hindi lamang kung paano ang tamang pamumuhay (1-12) kundi paano ang tamang attitude sa kamatayan. After all ang buhay at kamatayan ay parehong bahagi ng buhay ng tao. Para sa isang Cristiano, ang kamatayan, gaano man nakalulumbay, ay isang kapakinabangan sapagkat sa kamatayan, bukod sa katotohanang siya ay mukhaang kasama ni Cristo (2 Corinto 5), siya rin ay may pag-asa ng grand reunion sa Panginoon at sa lahat ng mananampalataya. Ito ang Rapture.

“Nguni’t hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo’y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.” Hindi pinagbabawala ng Kasulatan ang pagdadalamhati. Natural sa isang Cristianong malumbay kapag namatay ang isang mahal sa buhay. Ngunit hindi gaya ng mga hindi mananampalatayang walang pag-asa ng muling pagkabuhay, ang Cristiano ay makakaasang kung ang lumisan ay mananampalataya, muli itong makakasama. Kaya maglumbay ka pero hindi gaya ng iba na walang pag-asa.

“Sapagka’t kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.” Bakit hindi dapat malumbay ang mga Cristiano? Sapagka’t kung sila ay nanampalatayang namatay at nabuhay muli si Cristo, ganito rin ang kalagayan ng mga mananampalataya (namatay/nangatulog kay Jesus)- muli silang bubuhayin at dadalhin ng Diyos na makasama Niya. Ito ang Grand Reunion!

“Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.” Marahil ito ay reperensiya sa Juan 14 kung saan unang tinuro ni Cristo ang Rapture. Hindi tayo dapat malumbay na walang pag-asa sa pagkamatay ng mga mananampalatayang mahal sa buhay sapagkat hindi sila maiiwan. Ang totoo, hindi tayo mauuna (hindi natin sila iiwan).

“Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli.” In fact, sila ang unang gigisingin mula sa pagkatulog ng kamatayan. Isang sigaw ang gigising sa kanila at mabubuhay muli. Ito ang Out-Resurrection ng mga namatay na mananampalataya. Lahat ng mananampalataya sa Church Age ay mauunang mabuhay; maiiwan lamang sa kamatayan ang mga mananampalataya ng Lumang Tipan sapagkat ayon sa 1 Corinto 15, lahat ay ayon sa orden. Sila ay bibigyan ng glorified resurrection bodies.

“Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.” Pagkatapos buhayin ang mga patay, ang mga buhay pa ay magbabago; in a twinkling of an eye, without undergoing death, magkakaroon tayo ng glorified resurrection bodies. Ito ang Translation of the Living Saints. Then ang mga Out-Ressurected Saints at Translated Saints ay parehong aagawin (HARPAZO =Rapture). Tayo ay aagawin patungong alapaap upang hindi na tayo mahiwalay sa Panginoon magpakailan pa man. Kung nasaan Siya, naroon din tayo. Tapos na ang paghihintay, ang mga silid (Juan 14) ay gawa na. Panahon na upang ito ay tirahan.

“Kaya’t mangagaliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.” Ang doktrinang ito ay hindi abstract. Ito ay very practical at functional. Gamitin natin ito upang aliwin ang bawat isa. Sa halip na empty platitudes sa mga kapatid na namatayan, aliwin natin sila ng katotohanang para sa ating mga buhat, life goes on. Let us look forward to the day when the dead and the living saints will be raptured together. Until then, we have to persevere in the faith for perseverance brings rewards.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Mga Hamon ng Lumalagong Kongregasyon