Ang Rapture sa Juan 14

 


Gaya nang pinapakita sa itaas na nagpapakita ng parallel sa pagitan ng Juan 14:1-4 at 1 Tesalonika 4:13-18, ang dalawa ay may parehong paksa- ang muling pagbalik ni Cristo para sa mga mananampalataya ng Church Age, popularly known as the Rapture.

Pinapakita ng nasa itaas na tinuturo ni Pablo ang kaparehong doktrina na tinuro ni Cristo sa Juan 14:1-4.  

Nakuha ko ang larawan sa Facebook matagal nang panahon at umano'y sumaryo ito ng turo ni Dr. Andy Woods. 

Narito ang ilang obserbasyon sa pagitan ng Juan 14:1-4 at 1 Tesalonica 4:13-18:

1. Kapuwa nagtuturo tungkol sa pagbabalik ni Jesus (Juan 14:3; 1 Tesalonica 4:15-16)

2. Kapuwa nagtuturo tungkol sa pagkakalap ng mga mananampalataya sa kaniya (Juan 14:3; 1 Tesalonica 4:17)

3. Kapuwa nagtuturo tungkol sa pagiging kasama ni Jesus sa langit (Juan 14:2-3; 1 Tesalonica 4:17) 

4. Ang Juan 14:1-4 ay nakapokus sa paghahanda ni Jesus ng isang lugar para sa mga mananampalataya, samantalang ang 1 Tesalonica 4:13-18 ay nakapokus sa pagkakalap ng mga mananampalataya sa kaniya sa pagbabalik niya. Sa sandaling maihanda ang lugar para sa mga mananampalataya, babalik si Jesus para sa mga Cristiano. 

5. Sa Juan 14:1-4 ang pokus ay sa maintimasyang relasyon ni Jesus sa kaniyang mga alagad, samantalang sa 1 Tesalonica 4:13-18 nakapokus sa mga mangyayari sa Kaniyang pagbabalik- babangon muna ang mga patay, magbabago ang mga buhay at sabay silang aagawin patungong alapaap. 

6. Ang Juan 14:1-4 ay nagtuturo tungkol sa pagiging kasama ni Jesus sa langit bilang isang lugar ng kapayapaan at kaligayahan, samantalang ang 1 Tesalonica 4:13-18 ay nagtuturo tungkol sa pagiging kasama ni Jesus sa langit bilang isang lugar ng pagkakaisa at pagkakasama sa kaniya. Lahat ng kapayapaan, kaligayahan, pagkakaisa at pakikisama na ating hinahanap sa mundong ito ay magiging realidad kay Cristo. 

Sa Juan 14, nagbigay si Jesus ng mga panghuling aral sa Kaniyang mga apostol na magiging haligi at pundasyon ng Simbahan. Dahil sila ay nababagabag, at kinumpirma Niyang maraming pag-uusig na darating, pinalakas Niya ang kanilang loob ng Kaniyang muling pagbabalik. Ang pagbabalik na ito ay ang Rapture na tinuro ni Pablo sa 1 Tesalonika 4:13-18 at iba sa pagbabalik ni Cristo sa Pahayag 19. Sa Juan 14 ang Kaniyang pokus ay makasama ang mga mananampalatayang bubuo ng Kaniyang Maybahay; sa Pahayag 19 tutubusin Niya ang lupa at lilinisin ng kasamaan upang Kaniyang maging personal na Kaharian. Malibang mapreserba natin ang distinction na ito, mahihirapan tayong maunawaan ang plano ng Diyos para sa mananampalataya at maaaring mahulog sa mga date-setting schemes. 

Maging mapanuri. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?