Totoo nga bang hindi sinabi ng Bibliang mahalin ng mga asawang babae ang kanilang asawang lalaki?
Nitong nakaraang Linggo narinig kong inutusan ng Biblia ang mga asawang lalaki na mahalin ang babae tulad ng pagmamahal ni Cristo sa Simbahan. Ang mga babae naman ay dapat magpasakop sa Aside mga asawang lalaki tulad ng pagpapasakop ng Simbahan kay Cristo. So far so good. Then sinabi na hindi inutusan ng Biblia ang asawang babae na mahalin ang asawang lalaki. Sa pagkakataong ito, napakamot ako ng ulo. Huh?
Aside from the fact na ang tanda ng pagiging alagad ay mahalin ang kapatid tulad ng pag-ibig ni Cristo, Juan 13:34-35, at ang asawang lalaki , kung mananampalataya ay malinaw na kapatid (and biblically hindi dapat mag-asawa ng hindi mananampalataya), may mga turo ang Biblia tunkkol sa pagmamahal, hindi lamang ng lalaki sa babae kundi ng babae sa lalaki.
Nariyan ang pagmamahal ni Micol kay David, 1 Samuel 18:20. Bagamat ang kanilang pag-iibigan ay hindi masasabing matagumpay (masalimuot ito na tila pang soap opera), ang pag-ibig na ito ang nagtulak kay Micol to defy her father and save David.
Ang Awit ng Solomon ay isang romantikong selebrasyon ng pag-iibigan sa pagitan ng babaeng Sunamita at ng mangingibig na pastor. Si Solomon man o ibang tao ang mangingibig na pastor, malinaw na ang babaeng Sunamita ay umiibig sa kaniya at may mga eksenang siya ang nagtake initiative sa kanilang pag-iibigan.
Mayroon din tayong negatibong halimbawa ng pag-ibig ng Israel sa kaniyang mga lalaking mangingibig, isang metapora kung saan si Yahweh ang tunay na umiibig sa Israel, ang Israel ay isang babaeng talusira at ang mga diyus-diyusan ng mga paganong bansa ang mangingibig na lalaki. Mali ang paghahabol ng Israel sa ibang mga bansa at kanilang mga diyos, at ito ay mariing kinondena ng mga propeta, ngunit kinilala ng Biblia na ito ay pag-ibig ng babae sa lalaki.
Higit sa lahat, at pertinente sa ating kapanahunan, ay ang utos ni Pablo sa Tito 2:
4 Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon,
Dito pinangaralan ni Pablo ang matatandang babae sa tamang gawi upang sila ay makapagturo sa mas nakababatang babae na ibigin ang kanilang mga asawa at ang kanilang mga anak. Direktang utos ito sa babaeng umibig sa asawang lalaki.
Kung pinahahalagahan natin ang bawat salita ng Kasulatan, lalo pa ang mga epistula ni Pablo, makikita nating kailangang ibigin ng asawang babae ang kaniyang asawang lalaki. Sa ibang mga sitas tinatawagan siyang igalang at magpasakop sa asawang lalaki, ngunit maling sabihing hindi inutusan ang babaeng ibigin ang kanilang mga asawa. Ang tagumpay ng relasyon ay nakadepende sa pag-ibig na nagbubuklod dito. Ang pagkakaiba ng dalawa ay ang pag-ibig ng lalaki ay initiating love samantalang ang babae ay responsive love na nakatayo sa respect at submission.
Since ang relasyon ni Cristo at ng Simbahan ay larawan ng relasyon ng lalaki at kaniyang asawa, and since ang mga mananampalatayang bumubuo sa Simbahan ay tinawagang umibig kay Cristo, it makes sense na ang asawang babae ay umibig din sa kanilang asawang lalaki.
Ang error dito ay ang pagtuturo nang hindi kinukunsidera ang kabuuang turo ng Biblia sa Kasulatan. Totoong sa Efeso 5 (at maging sa 1 Pedro 3) hindi sinabihan ang babaeng umibig sa lalaki; tanging ang lalaki ang sinabihang umibig sa babae at ang babae ay dapat na gumalang at magpasakop sa lalaki. Pero maling isiping ito lamang ang tanging obligasyon ng babae sa lalaki. Sa Tito 2 which is equally inspired, ang babae ay dapat turuang umibig sa mga asawang lalaki. This is why it is not good to base a sermon on just one or two passages without considering what the rest of the Bible have to say on the topic.
Incidentally, Titus 2 also refutes the false romantic notion that love cannot be taught. They clearly can be. You can learn to love. In fact a relationship grows when one grows in love. This is true of our relationship with God. This is true of our relationship with our spouses.
Love one another.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment