Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?
Tatlong mahahalagang bagay kung bakit kailangang umawit ang Simbahan.
Una, ang pag-awit ay nakaluluwalhati sa Diyos.
Pahayag 5:9 At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.
Sa pamamagitan ng pag-awit, hinahayag natin ang kadakilaan ng Diyos. Ito ang esensiya ng worship- hinahayag natin ang worth-ship mg Diyos.
Ikalawa, ang ating pag-awit ay paraan upang magturo sa kapatid.
Efeso 5:19 Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon.
Colosas 3:16 Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
May mga kapatid na kailan man ay hindi maaabot ng sermon ngunit kayang abutin ng awit. Sabi nga nila, music is the language of the soul. Maaari kang makipag-usap, magturo at magpaalala sa pamamagitan ng pagkanta.
Ikatlo, ang pag-awit ay isang paraan upang magbahagi ng ating pananampalataya sa mga hindi mananampalataya.
Awit 96:3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan.
Sa pamamagitan ng ating mga awit, mababanggit natin sa lahat ng dako ang kadakilaan ng Diyos. Tanging mga taong ligtas lamang ang makakaawit,
Pahayag 5:9 At sila'y nangagaawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi, Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat, at magbukas ng mga tatak nito: sapagka't ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa't angkan, at wika, at bayan, at bansa.10 At sila'y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila'y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.
Sabi nga ni Pedro, bahagi ng tungkulin natin ang awitin ang Kaniyang kaliwanagan sa gitna ng kadilkman:
1 Pedro 2:9 Datapuwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan.
Handa ka na bang umawit para sa Kaniya?
Comments
Post a Comment