Paano kung self-righteous ang pastor?
We have a natural aversion to self-righteousness. Kahit mga unbelievers ay hindi natutuwang makisama sa mga taong feeling laging tama, inuubos ang oras sa pagtuligsa sa iba at laging tinataas ang sarili na mas mabuti kaysa iba. Lalo na kung ang tao ay nag-aaral ng Biblia. Super - doble kung nagtuturo nito.
Ano ang ating gagawin kung self-righteous ang pastor? Aalis?
Self-righteousness is a character flaw. Thankfully ang Bible ay wala nito being pure and inerrant. Here is the solution. Since the highest authority in a local church is the Bible (the highest human authority is the pastor whose highness is measured in lowness), as long as doctrine is taught, we can wink an eye to the flaw of the teacher.
Ito ang sabi ni Jesus mismo:
"Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad." Ang Mateo 23 ay kondenasyon ng mga self-righteous, legalistic Pharisees and scribes. Kapansin-pansin na mas madalas pang ikondena ni Jesus ang mga relihiyoso kaysa sa mga "makasalanan." There must be something wrong in our present church na mas madalas magkondena ang mga relihiyoso ng mga makasalanan. Sa Gospels, Jesus pursue the sinners, not condemn them.
"Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises." Kinikilala ni Jesus ang awtoridad ng mga eskriba at Fariseo. Bilang kahalili ni Moises, awtorisado silang magturo ng Kautusan. Gayon din ang mga pastor ay human authority para magturo ng Salita ng Diyos.
"Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa." Ang mga Fariseo ay hypocrite and self-righteous. Gayon man, ang kanilang hypocrisy and self-righteousness ay hindi nakadudumi sa purity ng Kasulatan. Therefore kapag ang mga Fariseo ay nagtuturo ng Kautusan, sila ay dapat pakinggan at ganapin. Ganuon pa man pinag-iingat ang mga alagad na huwag tularan ang kanilang hypocritical examples. They do not walk the talk. They have the creed right but the deeds are absent.
Ganuon din ngayon. So long as ang pastor ay nagtuturo ng Salita ng Diyos, we are obliged to obey them, even if they are being hypocritical and self-righteous about it. Their hypocrisy and self-righteousness do not contaminate the purity and veracity of the Word of God. However, pinapag-ingat din tayong huwag mahulog sa parehong pattern ng hypocrisy and self-righteousness.
"Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri." Marami silang pinasusunod pero sila mismo hindi. Ayaw nilang magsinungaling ang mga tao (at tama lang) ngunit sila mismo ay sinungaling (huwag gayahin). Tinuturuan nila ang mga tao ng paghingi ng tawad (dapat lang) pero sila mismo ay hindi marunong humingi ng tawad (huwag gayahin). Tinuturo nilang mapagkumbaba (tama yun) pero sila mismo ay mapagmataas (huwag gayahin). Pakinggan ang aral at tuparin; huwag gayahin ang halimbawa ng mga pastor na ito.
"Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit." Ang motivation ng mga Fariseo at eskriba ay pakitang tao. Gusto nila ng prominence, not service. Kaya gusto nila laging malapad ang pilakteryta at mga laylayan ng damit. Ganuon din anv mva ministro ngayon. Gusto lagi siya ang sentro ng atensiyon. Gusto niya posturado siya na tila ba nababago ng panlabas na damit ang panloob na ugali. Gusto niyang ma-impress ang mga tao sa kaniyang terno, sa halip na sa kaniyang personal na kabanalan. Gusto niyang kunin ang paggalang at pakikipagkaibigan ng sanlibutan sa halip na pag-ibig at paggalang ng mga kapatid. Ang tanda ng pagiging alagad ay nasa itim na sapatos at mahabang manggas ng polo, wala sa pag-ibig, Juan 13:34-35. Hindi naman nakapagtataka, kung wala ang terno baka hindi siya makilalang pastor (o kahit mananampalataya man lamang) dahil wala namang testimonyo.
"At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga." Gusto ang kabisera sa kainan at sa simbahan. Nauuna pang magpabundat ang mga pastor bago ang mga tupa! Siya ang nakaupo habang ang mga bisiro at bisita ay nakatayo!
"At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi. Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit. Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo." Kilig na kilig ang kaniyang tainga kapag tinawag na pastor. Bagamat walang sinuman, kahit si Jesus mismo o si Pablo, ang tinawag ng titulong pastor (ito ay larawan kung paano ang matanda at obispo ay mamamahala sa simbahan), gustong gusto niya ang titulong ito. Hindi sapat sa kaniya ang Kapatid, Brod, Ka; dapat may titulo. Ito raw ay tanda ng kaniyang pagkatawag. Siguro hindi tinawag si Pedro at si Pablo na tinawag ang bawat isa sa pangalan lamang.
"Datapuwa't ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas." Ang mga gawa ay may konsekwensiya. Sa sandaling humakbang ang iyong paa, pinipili mo ang hantungan nito at sa mga gustong mamanginoon sa kapatiran, ang tanging hantungan ay pababa.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment