Mali nga ba sa babae ang magtrabaho?

 


Likas na kaalyado ng Biblia ang tradisyunal na konserbatibong mga pananaw ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. May mga pagkakataong ang tradisyunal na konserbatismo ay humihiwalay sa Biblia at ang pagtatrabaho ng isang babae ang isa sa mga pagkakataon.

Sa tradisyunal na pamilya, ang lalaki ang naghahanap-buhay at ang babae ay nasa bahay lamang upang mag-aruga ng pamilya. Dahil sa maraming Cristianong pamilya ang ganito ang set up, may mga Cristianong nag-aakala na ang tradisyunal na pamilya ay biblikal na pamilya. Dahil dito kinokondena nila ang anumang uri ng paghahanap-buhay ng babae. Sa kanilang pananaw, ang babaw ay dapat nasa bahay, nagpapasakop sa lalaki, nagpapalaki ng anak, gumagawa ng gawaing bahay at sa pangkalahatan ay katulong sa pamilya. Pinaniniwalaan nilang ang pagtatrabaho ng babae ay hindi Biblikal at ang iba ay walang problemang tawagin itong kasalanan.

Ngunit totoo nga ba ito?

Una sa lahat, malaki ang merito ng pananatili ng babae sa tahanan upang magpalaki ng anak. Ayon sa Efeso 5:22-24, 1 Pedro 3:1-6 at Colosas 3:18, ang babae ay dapat magpasakop at sumunod sa asawang lalaki. Sa Tito 2:3-5, ang babae ay dapat mahalin ang asawa at anak at gumawa sa bahay. Sa 1 Timotro 5:14, ang babaeng balo ay inaralang mag-asawa muli at mag-ingat ng bahay. Malinaw sa mga pasaheng ito na ang babae ay may pangunahing obligasyon sa kaniyang asawa at pamilya.

Kung ito lamang ang tanging sinasabi ng Biblia, maaari nating sabihin nang may kumpiyansa na ang babae ay dapat nasa bahay at hindi dapat magtrabaho.

Ngunit hindi lamang ito ang sinasabi ng Biblia. Higit sa lahat ang mga ito ay positibong utos sa babae na magkalinga ng pamilya pero walang negatibong utis na bawal magtrabaho sa labas ng bahay. Samakatuwid, kung magagawa ng babae ang mga ito habang nagtatrabaho, walang dahilan para ipagbawal ang pagtatrabaho sa labas ng bahay.

Sa Genesis 2:18-24, ang babae ay binuo mula sa tadyang ni Adan sa layuning maging katulong o bahaging kukumpleto sa lakaki. Ang salitang katulong ay ginamit lamang sa Biblia para sa babae at sa Diyos. Hindi ito nagpapakita ng imperiyoridad, kundi malaking karangalan na ilarawan gamit ang parehong salita sa Diyos.

Dahil bahagi ng obligasyon ng lalaki ang magtrabaho sa Eden, ang babae ay katulong niya sa pagtatrabaho. In fact ang utos sa Genesis 1:28 ay binigay parego sa lalaki at babae. Magkatuwang silang susupil sa sannilalang.

Sa buong Lumang Tipan ang mga babae ay laging nagtatrabaho. Karamihan sa mga patriarka ay mga pastol at ang mga babae ay katuwang nila sa pag-aalaga ng mga hayop. Nakilala ni Moises si Zipora nang ito ay magpapainom ng mga tupa. Si Abegail sa 1 Samuel 25 ay may sapat na kapamahalaan sa kanilang mha hayop na kaniya niyang magpapatat ng mga hayop nang walang permiso ni Nabal. Si Debora ay propetisa at hukom.

Sa Bagong Tipan makikita natin si Dorcas at si Lidia na nagtatrabaho. Si Lidia ay isang mangangalakal ng tela. Sa Evangelio, sinuportahan ng mga kababaihan ang ministerio ni Jesus, na nagpapakitang mayroon silang sariling pag-aari.

Marahil ang extended na turo ng Biblia sa paksang ito ay makikita sa Kawikaan 31:10-31. Sa mahabang pasaheng ito ang babae ay pinuri hindi lamang sa pagiging mabuting maybahag kundi dahil sa kaniyang pagiginh produktibo na nakatutulong sa kita ng pamilya.

Kawikaan 31:13 Siya’y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at gumagawang kusa ng kaniyang mga kamay.

14 Siya’y parang mga sasakyang dagat ng kalakal; nagdadala siya ng kaniyang pagkain mula sa malayo.

15 Siya’y bumabangon naman samantalang gabi pa, at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sangbahayan, at ng kanilang gawain sa kaniyang alilang babae.

16 Kaniyang minamasdan ang bukid at binibili: sa pamamagitan ng kaniyang kamay ay nagtatanim siya ng ubasan.

18 Kaniyang namamalas na ang kaniyang kalakal ay makikinabang: ang kaniyang ilaw ay hindi namamatay sa gabi.

19 Kaniyang itinangan ang kaniyang mga kamay sa panulid, at ang kaniyang mga kamay ay humahawak ng panghabi.

22 Gumagawa siya sa ganang kaniya ng mga unang may burda; ang kaniyang pananamit ay mainam na kayong lino at ng kayong kulay ube.

24 Gumagawa siya ng mga kasuutang kayong lino at ipinagbibili; at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga mangangalakal.

Siya ay magsasaka, manghahabi at mangangalakal. Siya ay kumikita sa pagbebenta at nag-iinvest ng pinagbentahan. Siya ay umaangkat sa ibang lugar at nagbebenta sa iba. Involve siya sa international trade! Sa lahat ng ito, hindi siya kinondena bilang lumalabag sa Biblikal na pag-aasawa kundi dapat purihin at tularan. Siya ay hayil woman. Isang “mabait” – virtuos , woman of character, noble woman- na babae. Nagdadala siya ng karangalan sa kaniyang pamilya.

Kung kaya ng babae na magtrabaho nang hindi napapabayaan ang pangunahing obligasyon sa pamilya, walang kasalanan sa pagtatrabaho. Lung ang pagtatrabaho ay magiging hadlang upang mapalaki ang mga anak sa takot sa Panginoon at upang maging katuwang ng lalaki, oo dapat siyang manatili na lamang sa bahay. Ngunit kung kaya niyang pagsabayin ang mga ito, walang masama sa pagtatrabaho. Walang masama na magkaroon ng sariling karera ang babae. As long as nauunawaan niyang hindi ito excuse upang huwag magpasakop o sumunod sa asawa, hindi ito mali at kasalanan.

Maraming ministro ang nakapagtuturo nang walang bayad dahil may mga babaeng kusang nagtrabaho upang buhayin ang pamilya.

Sa panahong mataas ang bilihin at maraming gastusan, malaking tulong ang mag-asawang pareho nagtatrabaho. Huwag nating patayin sa guilt trip ang initiative ng babae na makatulong sa lalaki. That is what she is created for- to be a helpmeet, including in earning a living.


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?