Mali ba sa mga simbahan na magkaroon ng paaralan at bookstores?

 

Mali ba sa mga simbahan ang magkaroon ng mga paaralan at mga bookstore? 

I don't know about you pero wala akong nakikitang mali sa mga ito. In fact, isa sa aking mga pangarap ay pagdating ng panahon, magkaroon ang simbahan ng Partido ng sariling paaralan at bookstores. 

Ang misyon ng simbahan ay luwalhatiin ang Diyos. Magagawa ito chiefly through evangelism (kung saan tayo ay nagre-recruit ng mga luluwalhati sa Diyos by sharing the message of eternal life through faith alone in Christ alone) and through edification and service (kung saan ang mga ligtas ay palalaguin sa pananampalataya upang sila ay makapaluwalhati sa Diyos sa pamumuhay nang may kabanalan, sa paglilingkod at sa pagbahagi ng mensahe ng buhay sa iba). Ang pagkakaroon ng paaralan at bookstores ay makatutulong sa dalawang misyong ito. 

Makatutulong ang mga ito sa evangelism. Imagine ang isang bookstore na nagtitinda ng mga libro from free grace perspective. Laganap sa merkado ang mga aklat tungkol sa works at Lordship salvation at ang pagtitinda ng mga aklat from free grace perspective (salvation by grace through faith alone in Christ alone apart from works) ay isang mahalagang hakbang sa pagkontra sa mga ito. Maraming aklat ang sinulat ng mga free grace authors ngunit mahina ang sirkulasyon dahil karamihan sa mga publishers ang bookstores ay Lordship in orientation. Ang pagkakaroon ng mga local churches na may librong free grace ay isang malaking tulong sa pag-circulate ng free grace message.

Malaki rin ang tulong ng paaralan. Imagine a Christian school na priority ang salvation ng mga estudyante. Kung sisipagan ng administration na i-evangelize ang mga students, mas mapapabilis ang gawain ng evangelization. Kunwari may 50 students this school year at lahat iyon nanampalataya; mayroong 50 na bagong miyembro (and potential rulers) ang (future, millennial) Kaharian ng Diyos. Ano ang mali sa noble goals na ito? 

Malaki rin ang maitutulong ng mga ito sa edification. Imagine a bookstore na nagtitinda ng mga libro from free grace and dispensational perspective? Imagine a bookstore na nagtitinda ng mga libro tungkol sa discipleship, rewards theology, literal hermeneutics, cessationism, at inerrancy, mga paksang close to our hearts. Imagine a bookstore na nagtitinda ng mga family-oriented na books, mga service-oriented materials at mga creationist books. I think nakikita ninyo ang potensiyal. 

Mas lalong malaki ang magagawa ng mga paaralan. Ang mga future leaders ay hinuhulma sa mga paaralan. Kung ang mga estudyante natin ay exposed sa evolutionism, sa scientism, sa situational and relative morality, sa secularism at kung ano-ano pang worldly and anti-Biblical -isms, ang mga ito ang future leaders ng ating churches and community. So kung may paaralan tayo na natututo sila hindi lamang bumasa, sumulat, science, math at skills kundi Bible content, evangelism, servant leadership atbp, ma-e-ensure natin ang future ng ating mga simbahan.

Of course may mga pitfalls. Kapag ang simbahan ay na-obsessed sa profits o sa acceptance ng lipunan, ang mga ito ay maaaring maging mga Trojan horses na mag-i-introduce ng ungodly philosophy sa simbahan. But this is an issue of proper administration not of the intrinsic worth ng mga paaralan at bookstores. 

So kasalanan ba ang pagkakaroon ng schools and bookstores? Not from my perspective. Kung ang mga ito ay gagamitin para sa evangelism and edification, at kung ang church ay hindi magkokompromiso ng kaniyang testimony, churches and bookstores are excellent way to reach the lost with the gospel and the believers with doctrine. 



(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)




Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Bakit Kailangang Umawit ang Simbahan?

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?