Ehhhh???
The issue is not whether Jesus is Lord and Savior. The Bible clearly calls Jesus both Lord and Savior. In fact Jesus is Lord, whether you accept His Lordship or not. The issue is do you need to accept Him as Lord and Savior to be saved?
It is easy to dismiss this as no. I challenge anyone to show where in the Bible is it mentioned, you have to accept Jesus as Lord and Savior for salvation? The answer is zero. There are zero passages that teach one needs to receive Jesus as Savior and Lord.
Instead, ang tanging kundisyon sa Biblia ay manampalataya kay Cristo. Ang sumampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31. Hindi required ang pagsisisi at pagtalikod sa mga kasalanan, pagbabautismo, pagsuko sa Kaniyang pagka-Panginoon o pagtanggap sa Kaniya bilang Panginoon.
The truth is maraming nanampalataya kay Cristo at mayroong buhay na walang hanggan ang hindi sinusuko ang kanilang buhay kay Cristo. Kaya nga tayo nag-aaral ng Salita ng Diyos upang mabago ang ating isipan at sa halip na unahin natin ang ating mga sariling kagustuhan, unahin natin ang Kaniyang Salita at layon. Sa Biblia pitong beses lamang masusumpungang magkasama sa iisang sitas ang mga salitang Panginoon at Tagapagligtas at sa lahat ng teksto, sinulat ng mga taong hindi lamang mananampalataya kundi nagpasakop sa Kaniyang kalooban. Wala kahit isa sa mga ito ang binigay na kundisyon sa hindi mananampalataya kung paano maligtas.
Bilang mga Free Grace believers, mag-ingat tayo laban sa allure ng Lordship Salvation. Walang puwang sa ating mga FG pulpits ang doktrina ng pagtanggap kay Cristo bilang Lord and Savior upang maligtas. Let us not put the cart before the horse. We need to believe in Jesus for salvation. Then we need to grow in grace and submit to His Lordship. Only then can He be our Savior (justification salvation) and our Lord (sanctification and discipleship).
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment