Biblikal ba ang mandatory Bible studies?
Hindi ko alam kung gimik o paraan lamang upang dumami ang attendance, pero may nagtuturo ng mandatory Bible studies. Kapag hindi ka raw nagsimba, hindi ka maliligtas, o tanda ito na hindi ka ligtas, o mawawala ang iyong kaligtasan. Ang rason ay bilang bagong silang na anak ng Diyos, ang kailangan ay gatas, at kung walang gatas, mamamatay. O kung hindi interesado sa gatas, hindi ipinanaganak dahil ang natural na reaksiyon ng isang sanggol ay maghanap ng gatas.
Dahil sa ang mga simbahang ito ay nagtuturo ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa (o ng seguridad at katiyakan ng kaligtasan) mauunawaan natin kahit actually mali ang mga taong ito. Simceyang kanilang kaligtasan ay nakabase sa kanilang magagawa, nauunawaan natin ang kanilang pagkukumahog sa pagsimba.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang mga free grace believers ay nahawa ng ganitong kaisipan. Alam nilang ang kaligtasan ay hiwalay sa mga gawa, ngunit kapag ang tao ay hindi nagsimba, ang ilan ay natutuksong hatulan ang kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa.
Ang ilan ay hindi direktang sasabihing required ang mandatory Bible studies upang maligtas o manatiling ligtas. Ngunit ang pressured upang pasimbahin ang tao ay nariyan. Andiyan ang characterization na kaya hindi nagsisimba dahil hindi talaga ligtas o kaya naman ay mas mahal ang sanlibutan.
Nauunawaan ko ang kahalagahan ng pagsisimba. Pero sa sandaling maglagay tayo ng value-judgment sa behavior ng tao, tayo ay nagiging hukom at nag-a-appropriate ng trabaho ni Cristo bilang Hukom sa Bema. After all, Siya ang Panginoon, at wala tayong karapatang hukuman ang alipin ng iba.
Marahil ginagawa nila ito dahil sa genuine concern na magsimba ang mga tao. This is commendable pero in my opinion, there is a better way to encourage people to go to church than threatening them. Ang iba ay ginagawa ito dahil gusto nilang mag-preach sa full church. Ang kanilang worth as a preacher ay sinusukat sa dami ng nakikinig hindi sa accuracy ng tinuturo. Wala akong masabi sa ganitong uri ng pastor.
Sa halip na takutin ang mga tao ng mga bagay na hindi naman sinabi ng Kasulatan (loss of salvation for instance), why not simply preach faithfully and leave it to the Holy Spirit to convict the hearers. Exhort, tell them to come, and satisfy their spiritual thirst and hunger when they do. Ang Holy Spirit na nag-guide sa iyong magturo ay ang sams Spirit na nasa nakikinig. Kung ang tao ay may positive volition sa Salita ng Diyos darating at darating iyan. Kung hindi, try to restore him to desiring the Word of God. Pero ang dudahan ang kaniyang kaligtasan is out of bounds.
Ideally, ang Cristiano ay laging available kapag bukas ang pintuan ng kapilya upang mag-aral ng Biblia. Pero in real world, hindi ito posible. May mga bagay na umaagaw sa ating atensiyon gaya ng trabaho, kalusugan, kabuhayan at kaabalahan sa buhay. Hindi ito nangangahulugang hindi mahalaga ang Salita ng Diyos. Nangangahulugan itong sinisikap nating i-juggle ang ating schedule at priorities and maybe if you can show me why I should prioritize the Word over working, I might put it higher in my scale of values. Pero kung pagpunta ko sa simbahan wala naman akong nakikitang pagkakaiba sa naririnig ko kapag hindi nagsisimba, why bother? Kung makita ko sa preaching ang power of God, sa halip na mere religiosity, that power of God will be attractive. Kung sa labas ang naririnig ko lang ay paninira ng kapwa, at sa church ganuon din, panunuligsa, siguro hindi masisisi ang miyembro na magsabing, "No thank you, naabot ko na ang quota sa toxicity. I'm staying home. My dogs act better than you people."
Preach the Word. Focus on the Word. God will bring the audience.
(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.
Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan.
Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)
Comments
Post a Comment