Ang Awit 32 ay kumpisal ni David ng kaniyang kasalanan


Awit 32:1 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan.2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya.

Sa mga nakaraang blog tinalakay ko kung bakit ang Awit 32 ay hindi patungkol sa kaligtasan. Sinagot ko rin kung bakit ito sinipi ni Pablo sa Roma 4. Ngayon talakayin natin ang ibig talagang sabihin ng Awit 32. 

Ang Awit 32 (at 38 at 51) ay kumpisal ni David. Nagkasala sila ni Bathseba at dapat patayin. Upang pagtakpan ang kaniyang kasalanan, he engineered the death of Uriah. Ang resulta ay four-fold discipline at separation from fellowshipping with God. Ito ang kumpisal niya ng kaniyang pagkakamali. 

1 Mapalad siyang pinatawad ng pagsalangsang, na tinakpan ang kasalanan.
2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng Panginoon, at walang pagdaraya ang diwa niya.

Alam ni David na dahil nangyari ang pakikiapid sa lunsod, dapat siyang mamatay. Ayon sa Kautusan kapag ang isang babae na pag-aari na ng iba ay ginalaw sa lunsod, ang lalaki at babae ay dapat patayin pareho. Ito ay consensual adultery dahil hindi sumigaw ang babae. Kung sa bukid, tanging lalaki ang papatayin dahil humiyaw ng tulong ang babae ngunit walang nakarinig. Either way death penalty ang naghihintay kay David. Maya mapalad ang taong pinakitaan ng Diyos ng biyaya at hindi siningil sa kaniyang kasalanan ng kaniyang buhay (nagbayad siya sa ibang paraan including ang pagkamatay ng anak nila ni Bathseba).

3 Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang aking mga buto dahil sa aking pagangal buong araw.
4 Sapagka't araw at gabi ay mabigat sa akin ang iyong kamay: ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)

Dahil sa tinago ni David ang kaniyang kasalanan at hindi kinumpisal sa Diyos (plus ritual cleansing sacrifice), nagdurusa si David. May mga kasalanan na psychosomatic. May pisikal na epekto kay David ang pagtatago ng kaniyang mga kasalanan. May panlulumo siya ng buto at hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Hindi lahat ng kasalanan ay may psychosomatic effect. Ang iba ay nagreresulta sa kawalan ng peace of mind at domestic tranquility. Sa halip na itago ang kasalanan, dapat itong kumpisal sa Diyos. He knew it already anyway. Ang pagkumpisal ay pagpapakita ng kapakumbabaan at open accountability sa Diyos. 

5 Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.

Ito ang kaniyang kumpisal. Kinumpisal niya sa Diyos ang kaniyang kasalanan at ito ay nagresulta sa kapatawaran. Iyan ang pangako ng 1 Juan 1:9 bagama't sa panahon ni David usually ay may accompanying sacrifices. Marahil walang banggit na offering dito dahil ang adultery at murder ay dalawa sa mga kasalanang nananawagan ng kamatayan at walang offering para sa mga ito. He needed to rely on the grace of God. Or he will literally be dead. 

6 Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa panahong masusumpungan ka: tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
7 Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan; iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)

Ang pagkumpisal ni David ng kaniyang kasalanan ay nagbukas ng objectivity. Pinuri niya ang Diyos na dapat dalanginan ng lahat. May mga taong hindi marunong magpatawad, humingi ka man ng paumanhin, hindi ka patatawarin. Sisingilin ka sa iyong pagkakamali. Hindi ganuon ang Diyos. Siya ang kublihang dako ng lahat ng naghahanap at lumalapit sa Kaniya. 

8 Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
9 Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa: na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila, na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.

Marahil ang Diyos ang nagsasalita rito. Bilang tugon sa kaniyang kumpisal, ang Diyos ay nangako ng paggabay sa daang lakaran. May payo siyang huwag tumulad sa mga kabayong stubborn o stiff-necked na kailangan pa ng pisikal na busal upang sumunod. Huwag nating hayaang pagalawin tayo ng kamay ng disiplina ng Diyos. Mas magaang maglingkod kung lumalakad sa kaliwanagan. 

10 Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama: nguni't siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid: at magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.

Ito ang kaniyang konklusyon. Nanawagan siya ng pagpupuri at kagalakan. 


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Dahil hindi ako miyembro ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)



Comments

Popular posts from this blog

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

Ang Pagtigas ba ng Puso ni Faraon ay Patunay na Siya ay Reprobate at Pupunta sa Impiyerno?

Hindi kami maaaring mag-Bible study dahil nakapambahay?