Memorizing Scriptures: 2 Pedro 3:18


2 Pedro 3:18 Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa.

2 Peter 3:18 [18]but grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ. To Him be the glory, both now and to the day of eternity. Amen.

Matapos ang tatlong kabanata kung saan tinuro ni Pedro ang kahalagahan ng paglago espirituwal sa Salita ng Diyos (kabanata isa), babala laban sa mga huwad na guro (kabanata ikalawa) at paalalang kumapit sa mga aral ng mga apostol lalo't may mga manunuyang lilitaw sa huling araw na ang kapahamakan ay sigurado (kabanata ikatlo), mula v14-18, nagbigay si Pedro ng mga panghuling utos. Kabilang na dito ang babala laban sa mga taong binabaluktot ang mga mahirap unawaing aral ni Pablo na magreresulta sa kanilang kapahamakan. 

Sa v17 sinabi niyang ang kaniyang mambabasa ay dapat maging mapagbantay laban sa mga huwad na gurong ito. Sa halip sila ay kailangang lumago sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo. Sinimula niya ang epistula sa biyaya (1:2) at tinapos niya ito sa biyaya (3:18). Sinimulan niya ito sa Panginoong Jesucristo (1:1) at tinapos niya ito sa Panginoong Jesucristo (3:18). Sinimulan niya ito sa pagkilala sa Panginoon (1:2) at tinapos niya ito sa pagkilala sa Panginoon (3:18). Pinagpala niya sa pasimula ang mga mambabasa (1:1-2) at sa pagtatapos pinagpala niya ang Panginoon (3:18). Ang aral ay malinaw, ang biyaya at ang Panginoong Jesucristo ang panimula, kabuuan at katapusan ng espirituwal na buhay. Ang lumago sa pagkakilala sa Panginoong Jesucristo ay katumbas ng mas malalim na paglago sa biyaya. 

Sama-sama tayong isaulo ang sitas na ito na pangontra laban sa mga huwad na guro (3:17).


(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, alas 8:30-10:30 am. Sa Amoguis, 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.


Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)






Comments

Popular posts from this blog

Nangungulila sa isang Ama

Mahirap mamangka sa dalawang ilog

THE ONLY TRUE RACIAL RECONCILIATION