Posts

Showing posts from April, 2024

Ang Sikreto ng Aming 17 Taong Pagsasama

Image
Ecclesiastes 4:12 At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali. Sa araw na ito, Abril 30, 2024, pinagdidiwang naming mag-asawa, ang misis ko ay si Lerna I. Nieto para malaman ninyong wala nang iba, ang aming ikalabimpitong taong pagpapakasal. Sa loob ng labimpitong taong ito,  marami kaming naranasan, at patuloy pang nararanasang mga pagsubok, na sa biyaya ng Diyos ay aming nalagpasan. Gaya ng ibang buhay mag-asawa, humarap din kami sa mga personal, pinansiyal at espirituwal na mga problema. Sa tulong ng Diyos, na sa pasimula pa lang ng aming pag-aasawa ay ginawa naming sentro ng aming relasyon, nananatili kaming matatag, at nananalanging lalo pang tumatag.  Humarap kami sa mga iba't ibang isyu: mga isyung monetarya; pagdidisiplina sa mga bata; pagsasabay ng pag-aaral sa masteral, pagtuturo at pagtatapos ni misi ng bokasyunal; limang taong naranasan naming mamuhay na LDR na

Lasong Relasyon

Image
Ecclesiastes 3:5 ... panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap; 8 Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim... Sa aklat ng Ecclesiastes, naghahanap si Solomon ng kasiyahan sa ilalim ng araw. Nang bigo niya itong masumpungan sa mga gawain ng kaniyang kamay, nagsimula naman siyang ibuhos ang kaniyang atensiyon sa pilosopiya. Sa Ecclesiastes 3 na madalas sipiin bilang isang diskurso sa oras at panahon, sinabi ni Solomon na ang problema ng tao ay alipin siya ng oras. Anuman ang kaniyang gawin, hindi aiya makasumpong ng kasiyahan sa mga gawa ng kaniyang kamay dahil sa kalaban niya ang oras. Nagbigay siya ng 14 na merismo upang ipakita ang putilidad nang pamumuhay sa oras. Dalawa sa mga ito ay nasa v5 at v8. Hindi ko layon sa blog na ito na talakayin ang argumento ni Solomon patungkol sa putilidad ng pagiging alipin ng oras (dumalo kayo sa Bible study namin sa Amoguis, alas dos kung gusto ninyong marinig ito.) Sa halip gusto ko lang iapirma na bahagi ng pamumuhay sa lupa a

WHAT CAN ETERNALLY SECURE BELIEVERS LOSE?

Image
A believer cannot lose his salvation (eternal security) but what else can he lose?  Thank you brothers Shawn Lazar and Jonathan Rosario and others for their writings and shared comments.  1. Physical lives. Jas 1:15; 1 Cor 11:30; 1 Jn 5:16-17 2. Their ministry. Think Saul, Samson and Moses. 1 Tim 3:8-9; 5:19-20; 2 Tim 2:20-21 3. Physical health. 1 Cor 11:29-30; Jas 5:14-16 4. Their rewards. Rev 22:12; 2 Cor 5:10; Matt 6:19-21; 1 Cor 3:11-15; Jas 1:12 5. Kingdom privileges. Rev 2:7, 11, 17, 26; 3:5, 12, 21 6. Your local church. Rev 2:1-5 7. Their joy. Ps 51:12; 1 Jn 1:4; Rev 2:4-5 8. Quenches the Spirit's ministry, 1 Thess 5:19; how- 1 Thess 5:16-22 9. Bible studies become unfruitful. Jas 1:22-24 10. Takes away excitement. Ps 51:12; Is 48:22; 57:21; Phil 4:4-9 11. Loss of peace. Ps 32:3-4 12. Hinders our partnership with God. 1 Jn 1:3,6 13. Causes feeling of separation. 1 Jn 1:6 14. Loss of confidence in prayer. 1 Jn 3:19-22 15. Unanswered prayers until confession. Ps 66:18; Prov 28

Nangungulila sa isang Ama

Image
Nangungulila ka sa pagmamahal ng isang ama. Maaaring hindi mo ito maramdaman dahil siya ay pumanaw na o marahil ay nasa malayo dahil nagtatrabaho. O siguro siya ay sumakabilang bahay at winasak ang inyong pamilya. O nandiyan siya sa bahay ngunit milya-milya ang pagitan dahil sa sobrang lamig niya sa pamilya.  Alam mo bang may isang Persona na nais na maging Ama sa iyo kung Siya ay iyong pagbibigyan? Na maibibigay Niya ang pagkalinga at pag-aaruga na marahil ay iyong hinahanap?  Sa laki ng pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, sa mga taong kagaya mo, sinugo Niya ang Kaniyang bugtong na Anak, si Jesus, upang tubusin ka sa mga kasalanan at gawing posible ang isang relasyon sa Kaniya. Sa krus, binayaran Niya ang kasalanan ng buong sanlibutan, Siya ang naging pampalubag-loob sa kasalanan ng kahat, upang walangaging hadlang sa sinumang nais magkaroon ng relasyon sa Kaniya.  Ang pangako ng Biblia ay posible kang magkaroon ng relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kaniyang Anak. Ang

Naghahanap ka ba ng kapahingahan?

Image
Naghahanap ka ba ng kapahingahan?  Pagod ka na sa buhay? Kahit saan ka pumunta pakiramdam mo kalaban mo ang lahat? Anumang hawakan ng iyong kamay ay napupunta sa abo at lahat ng iyong relasyon, nasisira? Hindi mo alam kung saan ka patutungo at hindi mo alam kung ano ang iyong gagawin?  Sinikap mong lumapit sa relihiyon ngunit lalo kang napagod dahil binigyan ka lang ng karagdagang trabaho na wala kahit sinong mkapasan, Gawa 15:10. Lumapit ka sa relihiyon ngunit walang ibang ginagawa ang ministro kundi bigyan ka ng mga gawaing sila mismo ay ayaw bumuhat o mga alituntuning sila mismo ay ayaw sumunod, Mateo 23:3-4. Pagod ka nang magpanggap na matuwid at banal, hindi mo alam ang gagawin, Mateo 23:5-7. May pag-asap pa ba? May kapahingahan pa ba? Ang sagot ay mayroon. Walang kapahingahan sa relihiyon pero may kapahingahan kay Cristo. Namatay si Cristo sa krus ng Kalbaryo sa isang layunin- ang bayaran ang iyong mga kasalanan upang ang mga kasalanang ito ay hindi maging hadlang sa relasyon mo