Ang Rapture sa Juan 14

Gaya nang pinapakita sa itaas na nagpapakita ng parallel sa pagitan ng Juan 14:1-4 at 1 Tesalonika 4:13-18, ang dalawa ay may parehong paksa- ang muling pagbalik ni Cristo para sa mga mananampalataya ng Church Age, popularly known as the Rapture. Pinapakita ng nasa itaas na tinuturo ni Pablo ang kaparehong doktrina na tinuro ni Cristo sa Juan 14:1-4. Nakuha ko ang larawan sa Facebook matagal nang panahon at umano'y sumaryo ito ng turo ni Dr. Andy Woods. Narito ang ilang obserbasyon sa pagitan ng Juan 14:1-4 at 1 Tesalonica 4:13-18: 1. Kapuwa nagtuturo tungkol sa pagbabalik ni Jesus (Juan 14:3; 1 Tesalonica 4:15-16) 2. Kapuwa nagtuturo tungkol sa pagkakalap ng mga mananampalataya sa kaniya (Juan 14:3; 1 Tesalonica 4:17) 3. Kapuwa nagtuturo tungkol sa pagiging kasama ni Jesus sa langit (Juan 14:2-3; 1 Tesalonica 4:17) 4. Ang Juan 14:1-4 ay nakapokus sa paghahanda ni Jesus ng isang lugar para sa mga mananampalataya, samantalang ang 1 Tesalonica 4:13-18 ay nak...