Hindi mahalaga ang katawan: ang panganib ng Neoplatonismo

 


Nagbabasa ako ng mga blogs nang madaanan ko ito:

"Plato believed that material things, including bodies, are evil, while immaterial things, such as souls, are good. What I call “Christoplatonism” infects many churches, teaching that human spirits are better off without bodies, and Heaven is a disembodied realm."

https://www.epm.org/resources/2026/May/6/eight-myths-about-heaven/?fbclid=IwdGRjcARpP2ljbGNrBGk_QGV4dG4DYWVtAjExAHNydGMGYXBwX2lkDDM1MDY4NTUzMTcyOAABHpZSVM3a6bsOZIM7wGwfG9aWld2QbYWs0zCC_p7nozvrNQl63RvNNaEwEJnt_aem_4rdC6otLZXwHAOFPr1UY2Q&brid=YWdncwHmx4cz0GodPDAuS4TtNZ5r

Immediately pumasok sa aking isipan na ang Neoplatonismong ito ay kumon sa ating mga simbahan. 

Ito ay resulta ng highly inflated opinion of what it means to be spiritual. Dahil sa inordinate na focus on the "spiritual" ang mga bagay na materyal ay minamaliit. 

Paano ko ito madalas marinig? 

Kapag may nagsabing, "Ang katawan ay hindi mahalaga. Ang mahalaga ay ang kaluluwa. Ang katawan ay mabubulok ngunit ang kaluluwa ay mabubuhay magpakailan man."

Sa unang pakinig tila tama. Ngunit kung pagninilayan, ito ay mali. 

Parehong mahalaga ang kaluluwa at katawan and I will discuss them later. 

Ironically ang mga nagsasabi nito ay naglilingkod sa Panginoon gamit ang kanilang mga katawan. Wala pa akong nakitang Neoplatonismong naglingkod gamit ang kaluluwa at hindi gamit ang katawan. 

Hindi nakapagtatakang ang may ganitong kaisipan ay madalas sakitin. Ang kanilang pilosopiya ang naglilimita sa kanilang paglilingkod. Dahil ang focus ay nasa kaluluwa, ang katawan ay napababayaan. Hindi inaalagaan, hindi pinapakain ng masustansiya, hindi ineehersisyo o ginagamot. After all basta naka-Bible study na o naka-prayer meeting na, okay na ang paglilingkod. 

I respectfully submit na ang pag-aalaga ng katawan upang mas magamit ito sa paglilingkod sa Diyos ay isang paglilingkod na nakalulugod sa Diyos. 

Bakit nga ba mahalaga ang katawan?

Una, dahil ito ay lalang ng Diyos mismo. Ang katawan ay bahagi ng good at very good ng Genesis 1. Kung may taglay kayong original na painting ni Leonardo Da Vinci, I am sure pahahalagahan ninyo ito nang husto. Bakit hindi ninyo pinahahalagahan ang katawang ang Diyos mismo ang may gawa? 

Pangalawa, nang ang Diyos ay bumaba sa lupa, ginamit Niya ang katawan ng tao. Maaari sana siyang bumaba bilang anghel o bilang hayop o bilang halaman. Ngunit pinili Niyang magpakababa sa anyong tao. Nagbibigay ito ng dignidad sa katawan bilang behikulo ng Inkarnasyon. 

Ikatlo, namatay si Jesus gamit ang katawan.

1 Pedro 2:24 Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa KANIYANG KATAWAN sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.

Kung walang katawan, paano Niya madadala ang ating mga kasalanan? 

Pang-apat, ang ating katawan ay bahagi ng kaligtasang ginawa ni Cristo. Sa sandaling tayo ay manampalataya kay Cristo, tayo ay nagkaroon ng buhay na espiritu ("Ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga" Juan 3). Nagkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. At the same time, ang ating kaluluwa ay pinalaya sa kontrol ng OSN and for the first time we can serve God apart from the sin nature's control. And finally may pangako tayo ng resurrection body. 

Panglima, ang Cristiano ay makapaglilingkod lamang kung siya ay may katawan. Kung prioridad ng isang Cristianong maglingkod sa Diyos, dapat prioridad niya ang alagaan ito. Paano ka makapaglilingkod to the maximum kung may sakit ka o karamdamang iniinda? 

Ikaanim, dinesenyo ng Diyos na tayo ay maglingkod sa eternidad gamit ang ating mga katawan. Humans by design are not disembodied beings. Gaya ng nabanggit na tayo ay magkakaroon ng resurrection bodies at ito ang gagamitin natin to glorify God and enjoy Him forever. 

 So don't let anyone bully you into Neoplatonism. Take care of your body as well as you take care of your souls. God saved both. Our spirit is already saved, our souls are being saved through Bible doctrine circulating in our streams of consciousness and in the future our bodies will be saved when we received our resurrection bodies. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments