Araw ng paggawa

 


Araw ng Paggawa ngayon and naturally ang unang pumasok sa aking isipan for this blog is John 6:29. 

Sa Araw ng Paggawa, pinagdiriwang natin ang mga manggagawa. Pinagdiriwang natin ang dignidad ng paggawa at ang kahalagahan ng paggawa upang makuha ang gusto natin sa buhay. 

"Walang libreng pananghalian," ika nila and you have to pay your dues. In many ways this is a noble mindset. Definitely better than the welfare mindset. Entitlement is killing us. 

But there is one area where this does not apply. That area is our relationship with God. When it comes to having eternal life, our works are useless. 

Malinaw sa Kasulatang ang buhay na walang hanggan ay hindi sahod na pinagtatrabahuhan. Ito ay isang regalong binibigay ng walang bayad sa sinumang nanampalataya kay Cristo. Anumang gawang nagsisikap na matamo ito ay tinakwil ng Diyos. 

Namatay si Cristo sa krus dahil alam Niyang hindi natin kayang pagtrabahuhan ang ating kaligtasan. Namatay Siya sa krus upang bayaran ang ating mga kasalanan at upang alisin ang hadlang ng kasalanan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Walang taong hindi makalalapit sa Diyos nang dahil sa kasalanan. Ang tanging dahilan upang ang tao ay malayo sa Diyos ay kung itakwil Niya si Cristo. 

Ang kumpletong gawa ng kaligtasan ay tinapos ni Cristo sa krus. Tetelestai, pahayag Niya. And after three days, Siya ay bumangon muling nagpapakitang tinanggap ng Ama ang Kaniyang gawa sa krus. 

Dahil si Cristo ang tumapos ng ating kaligtasan, wala nang natitirang gagawin ang tao kundi tanggapin ito sa pananampalataya. 

Ang nag-iisang kundisyon upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ay manampalataya kay Cristo. Ang sinumang manampalataya ay hindi mapapahamak kundi mayroong buhay na walang hanggan, Juan 3:16; Gawa 16:31.

Sabi nga ni Jesus, "Ang gawa ng Diyos ay ang manampalataya sa Kaniyang sinugo." We have a choice - either we rely on our own works or we believe in Him who worked the work of salvation at the Cross. You cannot do both, Rom 11:6. Either believe in your own works or believe in Jesus. 

Hindi ito madaling tanggapin ng palalo. Buong buhay niya, he worked for what he wants and he's accomplished enough to do it. Kaya masakit sa egong hindi niya kayang pagtrabahuhan ang kaniyang kaligtasan.

Eternal life is free to those who believe in Jesus. 

So this Labor Day, work for what you want but believe in Jesus for eternal life. That is the one area where your works cannot help you. Instead, believe in Jesus for eternal life. 

Manatiling nakapokus sa biyaya. Huwag ninyong hayaang nakawin ng mga huwad na guro ang inyong karapatang mag-isip ng doktrina.

(Kung gusto ninyo ng karagdagang impormasyon, bisitahin ninyo kami. May pagtitipon kami sa Dahat, kada Linggo, kada 1:00-3:00 pm. Sana manampalataya kayo at kita-kita tayo.

Isang mahalagang paalala: ang mga blogs na ito ay personal kong opinyon at eksposisyon; hindi ito opisyal na pananaw ng Partido Christian Bible Church. Kung nais ninyong malaman ang kanilang opisyal na posisyun, magtanong kayo sa mga matanda ng simbahan. Ang Nieto Bible Page ay isang hiwalay na ministri mula sa PCBC at independiyente rito. Nakikipagtipon ako sa PCBC, pero may personal akong kumbiksiyon sa mga bagay. Bagama't miyembro (muli) ako ng teaching and ruling leadership ng PCBC, anumang mabasa ninyo rito ay hiwalay sa kanila. Anumang nasusulat ay aking pananagutan. 

Kung nakatulong sa inyo ang mga blogs na ito, mangyaring pasubscribe at pashare sa iba. Ibahagi natin at ikalat ang mga Salita ni Cristo at ang libreng biyaya ng Diyos sa lahat ng dakong Filipino ay lenggwahe. Salamat po.)

Download for free:

The Epistle of James https://faithalone.org/ebooks/santiago/

The Epistles of John https://faithalone.org/ebooks/ang-epistula-ni-juan-isang-maikling-komentaryo/




Comments